Ex ng LIP ko

Anong gagawin ko mga mi, nahuli ko LIP ko, chinat nya ex nya at nagppacomfort😥 sa kanya, kasi nga 1 week may sakit LIP ko, di ko alam may kulang ba sa pag aalaga ko kahit buntis ako 7 months na tyan ko, nong nahuli ko sya tinanong ko kung may kulang ba sa pag aalaga ko sa knya na ginagawa ko naman lahat, kahit iba na yung bigat ng katawan ko bumabangon ako ng maaga para makapag asikaso ng almusal at para makainom sya ng gamot nya😥 alam ko naman mga mi, na talo ako sa ganda pagdating sa ex nya, sexy at maarte sa katawan mga mi, minsan naisip ko tuloy may kulang sa akin at naiinsecure ako, pag naliligo ako tinitingnan ko yung mukha ko sa salamin at kaya nasasabi ko na talo tlaga ako pagdating sa ex nya kasi ang layo layo ng itsura ko sa ex nya, parang model😥 Simula nong kachat nya ex nya, parang nagbago lahat mga mi, parang ayaw ko na maniwala sa lahat ng mga sinasabi nya,kasi ganun agad pumapasok sa isip ko yung ex nya, pero pinipilit kong ibalik yung nasirang tiwala ko sa knya pero ang hirap..sa dami nya kasing account di ko alam kong saan at alin gamit nyang account para ichat ex nya na halatang gustong gusto din sya advice mga mi.

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Confront your LIP. Sabihin mo sa kanya ano nararamdaman mo, be confident. Tama yung mgset ka ng boundaries, magkakaanak na nga kayo hindi pa rin siya maka-move on sa ex niya. For me it's ok to be friends with ex like kamustahan lang yun lang wala ng iba mas mabuti pa rin walang connection, kasi kung may connection pa rin baka bumalik ang spark, hindi po normal yung mgpapacomfort. Sabihin mo sa kanya ano ba purpose ng maraming account eh mgkakapamilya na nga kayo. Kung wala kang tiwala sa kanya dahil siya nman mismo gumagawa ng rason na hindi ka mgtiwala edi reevaluate mo relationships niyo kung kaya pa ba pag-usapan ang problema at maresolve, is it still worth it to stay and suffer emotionally? Napakainsensitive nman ng LIP mo.

Magbasa pa
3y ago

thank you mi