☺️
Ano ung pinakamasakit na nasabi sa inyo ng asawa nyo?

Nako madami na, bastos magsalita lip ko. Masasabi ko na sobrang malas ko sa partner ko. Wala akong masabi. Sya ang honorable mention sa pinakakupal na lalaki. Parang di naturuan ng good manners ng magulang. Pero ibang iba sya sa mga kaibigan nya grabe galing nya magpanggap. Kala mo anghel ma bumaba sa lupa. Pero si satanas naman pag ako ang kasama. Minsan gusto kong sisihin magulang nya eh. Ugaling kanto at skwater. Di ko alam kung lahi ba nila dahil chinese. Di ko nilalahat ah. Pero ung patience nya napakaikli, mas may toyo pa sakin, napakadamot pa kahit sa pagkain, isusumbat pa sayo mga pinakain nya, kakain sya di marunong magalok, uubusin nya magisa. Kelangan sabihin ko pa lahat, napaka insensitive, sinabihan nya ko pabigat daw ako sakanya, nung may sakit ako sinamahan naman nya ko pero nung gumaling ako sabi nya wag ka na magkakasakit ah, baka daw istorbohin ko nanaman daw sya, sinabihan nya ko lawlaw daw dede ko, pangnanay daw katawan ko, pokpok, laspag, malandi daw ako kasi may mga kachat ako na guy friends ko at mga nagsesend ng heart sa selfie ko sa myday, pag nagaaway kami sasabihin nya gusto nya kong saksakin, gusto nya ko patayin, ang sarap daw sikuin ng mukha ko, sana daw nilason na lang nya ko nung sya gumagastos sakin at binibilhan ng pagkain , isasama nya daw ako pag nagpakamatay sya, sinisigawan nya ko, minumura, sinakal na nya din ako, niloko nya ko nung nabuntis ako, buntis ako ginugutom ako, ni wala man lang inabot pampa check up ko, nagaway kami sa kotse petty fight lang pero sinabunutan nya ko bigla dahil punong puno na daw sya sa attitude ko, aun gumanti ako ng sampung sapak sa mukha nya, aun nagkabukol si gago. Kala nya di ako papalag. sinabunutan ko din sya. Nagddrive sya eh takot sya mabangga kotse nya kaya di na sya pumalag. Pero kung pumalag man sya magkakapatayan talaga kami, di ako papayag na sya ang papatay sakin. Ngayon binabalik ko lahat ng masasakit na salita na sinabi nya sakin nung pabigat ako kasi wala akong work nun sobrang baba ng tingin nya sakin, nilalait nya lang ako, pag nagsasalita ako babarahin nya ko, tapos di makikinig. Puro sya I love you, sasabihin nya di nya kaya mawala ako everytime iiwan ko sya, pero iba ung actions nya, di love un eh. Ngayon lahaaaat ng ginawa nya sakin dati before lockdown binabalik ko sakanya ngayon. Nawala na din respeto at takot ko sakanya, ngayon may income ako sya naman wala, isang taon na syang tengga, tanggapin nya ngayon ang ganti ko. Sobrang punong puno ng galit puso ko wala ng natirang love as in. Inabuso nya pagiging soft ko dati. Gigil na gigil ako ngayon habang nagttype. Gustong gusto ko sya isumpa at itaga sa bato na never syang makakahanap ng true happiness. Fyi: lahat ng ex nya iniwan sya. 4mos lang pinakamatagal. Ako 2yrs kong tiniis ung ugali nyang sobrang kupal. Imagine. 😔 Wala pa kaming 1month sinigawan na nya ko sa mukha sa loob ng kotse, nagulat ako 1st time may sumigaw na lalaki sakin kaya namura ko sya, at aun si gago di kaya itago tunay na ugali, minura nya din ako.. Sorry super haba. Gusto ko lang ilabas lahat ng sama ng loob ko.
Magbasa pa