Daddy's role

Ano pong role ni hubby nyo sa pag-aalaga kay baby? Yung asawa ko kasi halos sya lahat. Assistant lang ako. Hehe. Sya nagpapaligo, ako tagalagay ng body wash kay baby. Sya nagpapalit ng diaper, tas liligpitin ko lang yung mga gamit pagkatapos. Nagpapadede lang ako. Pero since minix feed na din namin sya (need kasi ni baby mag-gain ng weight according to his pedia), ako tagatimpla ng formula, sya nagpapadede at nagpapaburp. I'm so thankful 😊 wala kasi talaga akong experience mag-alaga ng bata. Pero sya, may mga kapatid na maliit at pamangkin na inalagaan. Saka mas malakas ang loob nya kahit first time nya ding gawin ang ilang bagay like magpaligo. Natatakot ako magpaligo kasi malikot si baby, baka mabitawan ko.. Nakakahiya lang sa kanya minsan. Hehe. Sabi ko nga kay baby, papa nya yun. Hindi mama. Para kasing sya na yung mama kasi sya halos nagawa ng lahat na dapat ako ang gagawa. Hehe. Tina-try ko naman ding patahanin si baby pag umiiyak. Kinakarga ko din.. kaso lalo syang umiiyak. Kaya ang ending ay tatawagin or gigisingin ko nalang si hubby. Pareho kaming nagleave muna sa work para maalagaan si baby. Sideline nalang muna. Kayo po, ano pong role ni hubby nyo sa pag-aalaga kay baby?

Daddy's role
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Pag umuuwi sya ng Pinas sya lahat except paligo. Ako un. Baka mapano pa anak ko hehehehe

4y ago

nakakatuwa naman po. bumabawi si daddy sa inyo 😊❀️