Noisy environment

Mga mii tanong ko lang po kung may epekto kay baby yung sobrang ingay ng paligid? Im 15 weeks and 5days pregnant and nagwoworry ako baka maapektuhan baby ko dahil sa ingay dito sa bahay. Like for example, may 4y/o pamangkin kasi ako na napakahyper and wild, pag umiiyak or nagagalit sya, grabe kasi sya kung magwala at kahit na bata pa malaki na ang boses napupuno nya yung buong bahay sa pagsigaw lalo na di naman sya alam patahanin ng kapatid ko. Di lang sa pag iingay, nananakit kasi yung pamangkin kaya kahit kila mama napapalo sya bilang pagdidisiplina sa pananakit nya. Minsan nagkukulong nalang ako sa kwarto tapos pag nakalock pinto di sya titigil sa kakakatok gat di ko binubuksan tapos magsisisigaw sya. Natatakot lang ako baka magkaroon ng impact sa baby ko yung maingay na paligid. Don't judge me po, mahal na mahal ko yung pamangkin ko pero ngayong buntis ako lalo't maselan iniiwasan ko nalang muna sya dahil sa sobrang wild niya talaga. RESPECT PLEASE. FTM here! Thank you po

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wala nman po epekto pero kung yung ingay ay katulad na ng concert na parang niyayanig ang mundo hindi talaga maganda dahil dinig rn ni baby makakastress sa kanya. Mas may effect po yung reaction mo sa (pagwoworry at stressing about noise) Maingay din dito sa bahay nasstress ako kaya I locked my room para makapagpahinga ako ng straight kaso yung pusa ko parang katulad ng pamangkin mo halos sirain ang door gusto pumasok (every 6am talaga) parang hindi pusa yung kumakatok 😆 Kausapin mo po ang nanay ng pamangkin mo na kung pwedi e kalma niya bata niya kasi yung bata hindi pa nya ma control feelings and actions niya.

Magbasa pa
2y ago

Thank you mii sa pagsagot😊akala ko talaga meron epekto kay baby pag-iingay ng pamangkin ko. Wa epek po pag alo sa kanya nanay niya mas napapakalma pa sya ni mama at nung isa kong kapatid.

At 15 weeks wala pa po naririnig yan. Pero kung ikaw ay nai-stress sa maingay na paligid,dun magkakaron ng impact sa development ng baby. Bawal kase ang stress sa buntis,lalo at sabi mo maselan ka. Need mo ng sapat na pahinga. Ganyan din ako nung 1st tri ako,ayoko ng maingay. Naririndi ako kaya ang ginawa ko nagpalipat kami ng kwarto sa 1st floor para atleast di masyado maingay. Pag nagpapatugtog din sila nagsasabi ako sa hubby ko na maingay yung sounds para mapahinaan.

Magbasa pa