Privacy

Ano pong mas gusto nyo alam ang passwords ng isat isa or hindi ? Dati kase open kami ni mister pagdating sa accounts lalo na messenger at Facebook pero ngayon hindi na , minsan tinatanong ko password nya nagalit na sya kase bakit ko daw papakialam privacy nya magagalit lang daw ako kapag my nabasang hindi maganda . Eh kung wla naman talagang ginagawang masama bakit nmaan ako magagalit . Up until now hindi nya parin binibigay password nya but he keeps on saying na wag daw ako magisip ng kung ano ano at wala naman daw syng masamng gingawa . hindi ko lang maiwasan mag overthink . ?

38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

In the first place bakit mo kelangan hingin, hindi porket asawa nyo na eh may karapatan na kyo invade privacy ng asawa nyo, kaya nga may tinatawag na "trust". Ako ang share lang nmin ng asawa ko PIN ng ATM cards nmin pra pwde mgwithdraw kahit cno, pro FB...bakit...ipagpilitan nyo yan para mgcause ng away at gumawa kyo ng sarili nyong multo. Ako n bilang babae ngsasabi, nakakasakal yun gnyan, hindi nyo n binigyan ng sarili space asawa nyo, hindi lang sa inyo umiikot mundo nila. Kung alam nyo n my ngbabasa ng accnt nyo, mkakagalaw kba? hindi dba..ano gagawin ng asawa nyo pg gnyn, buburahin lang lagi ng messages pra walang trace or gagawa ng separate account. habang lalo nyo sinasakal asawa nyo, lalo yan mgrerebelde. P.S. Happy wife for 12yrs here with no third party issue with my hubby 😊

Magbasa pa