Privacy

Ano pong mas gusto nyo alam ang passwords ng isat isa or hindi ? Dati kase open kami ni mister pagdating sa accounts lalo na messenger at Facebook pero ngayon hindi na , minsan tinatanong ko password nya nagalit na sya kase bakit ko daw papakialam privacy nya magagalit lang daw ako kapag my nabasang hindi maganda . Eh kung wla naman talagang ginagawang masama bakit nmaan ako magagalit . Up until now hindi nya parin binibigay password nya but he keeps on saying na wag daw ako magisip ng kung ano ano at wala naman daw syng masamng gingawa . hindi ko lang maiwasan mag overthink . ?

38 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kahit di ko na alamin password ng mga socmeds niya, nabubuksan ko naman yung phone niya. Pwede ko naman dun tingnan. Hehehe May naging usapan naman kami kung magloloko man siya.

No Judgement pero for me may Tinatago ang Mister mo.. Madaling ibigay ang password Kung wala Kang Tinatago and For assurance pero kung meron Mahirap Ibigay

Well, for me, no need to know his password. Alam ko namang wala syang ginagawang kababalaghan. Simula't sapul kasi nadoon yung trust namin sa isat isa.

VIP Member

Kame nung magjowa pa lang kame alam namen password ng isat isa, pero ngaung magasawa hnd na. Kase naging cause din ng pagaaway namen un eh.

May iba na yan mister mo. Lahat ng matino na kilala ko at ako bilang mister alam ng asawa ko password ko sa lahat. Ultimo ATM.

Pinapaalam nya password nya sa lahat ng account nya.. kaya lng akong si ulyanin nalilimutan ko agad.. πŸ˜‚πŸ˜‚

Kami ng asawa ko hindi nmin alam ung mga password ng isat isa, pero random kami nag che check ng phone.

Kami din namin alam password ng isat isa pero nahahawakan namin cp ng isat isa kaya okay lang.

Dapat my privacy pa rin si mister. diko alam pw nya pero lagi ko nman hawak phone nya.🀣

Alam namin ng asawa ko ang password ng isa't isa. Palit pa nga kami ng sim card eh πŸ˜‚