POSTERIOR PLACENTA LOW LYING GRADE 1

Ano pong ibig sabihin neto. okay lang po ba and safe? Kaya ba mag normal delivery?

POSTERIOR PLACENTA LOW LYING GRADE 1
5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

tataas pa yan momsh. ako complete placenta previa dati pero grade 2 na po si placenta ngayon.

5y ago

bedrest po. naglalagay ako ng unan sa pwet tuwing matutulog, tatayo lang po ako kapag pupuntang banyo, maliligo ng naka upo. bawal po nakatayo at naka upo ng matagal. yung pagkain ko hinahatid lang sa kwarto. Di ako nagbubuhat ng mabigat kasi bawal, dahan dahan lang sa pagkilos, wala akong ibang ginawa kundi nakahiga lang po. wag di po ma stress. yun po ginawa ko. tiis lang lang po talaga hanggang sa tumaas si placenta.