3 months preggy

Ano po pwedeng gamot sa ubo, sipon, sakit ng lalamunan at ulo?? Pabalik balik din yung sinat ko. Ginawa ko na lahat ng advice sakin ng ob ko, ganun padin pakiramdam ko. Maliban sa pahinga. Ilang linggo na kasi akong walang maayos na tulog, kulang sa pahinga. Sa bahay parin kasi ako ng fam ko nakatira. Mga 4am palang kasi gising na mga tao sa bahay, nagigising na din ako nun dahil mababaw lang talaga ako matulog kahit nung di pako buntis. At hirap makatulog palagi. Di rin ako pwede matulog maaga kasi ako lagi nagbabantay sa bunso kong kapatid. Pinagsabihan din kasi ako nila papa ko nung isang beses na kausapin ko sila about sa pahinga ko. Sabi nila di ako pwede magreklamo dahil nagpabuntis ako ng maaga kaya wala daw silang pake kahit bawal daw sa buntis ang stress kasi di naman daw nila gusto to. Ang hirap pero kasalanan ko naman talaga kaya wala din akong choice kundi makisama at manahimik nlng Gusto ko man ako patirahin ng asawa ko at pamilya nya sa bahay nila, di pwede kasi malayo masyado sa school ko. At matagtag ako masyado, maselan kasi ako magbuntis at dinudugo dugo

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis wag kang basta bastang iinom ng gamot na d resita ng doctor may mga gamot na d pwd sa mga buntis. Try mo nlang muna ung mga natural remedies. And dont forget to take your vitamins. Sabi nga nila, bawal mgkasakit ang buntis.. 😊 take care lagi and wag mgpapaapekto sa stress kc c baby ang mgiging kawawa.

Magbasa pa

Try mo Po bactidol gargle 2x a day. Morning and evening.. plenty of water and no sweets. Bka makatulong..