Ayaw na ni LO kumain ng Solid food

Ano po kaya pwede kong gawin? Ayaw na kasi kumain ni LO ng solid food simula nung nagsuka sya. One time kasi nagsuka sya ng apat na beses. Mashed avocado yung kinain nya nung umaga. Bandang 1pm, nagsuka sya. Then 1:30pm nagsuka ulit. Nanghihina na sya nun kaya nakatulog sya saglit. Paggising nya ng 2pm, nagsuka ulit sya. Tapos after 10mins ata, nagsuka ulit. Pero kakaunti na lang. Then dinala na namin sya sa pedia. Ang sabi, baka daw hindi natunawan. Pero wag daw ako matakot magpakain basta unti unti. Niresetahan sya ng gamot. Kinabukasan triny ko pakainin si baby. Ayaw na nya kumain hanggang ngayon. Minsan naduduwal. Minsan dinudura lang nya kinakain nya. Gatas ko na lang ang gusto nya. Please help me mommies. Salamat ♥️

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

continue nyo lang po ioffer kay baby ang pagkain. maganda po if sabay kayo kumain para gayahin nya.💙❤

2y ago

Sige po try ko sya sabayan. Salamat po mommy ♥️

VIP Member

pakainin mo pero pakonti konti n lng muna para hindi mabigla..

2y ago

Ganun nga po mommy. Kaya lang dinudura lang nya. Minsan naduduwal sya. Parang maarte. Pero ttry ko pa din ibat ibang gulay o prutas.