RASHES SA BUNTIS
Ano po kaya pwede gawin? 1Week napo halos di rin ako makatulog sa gabi sa sobrang kati nung mga parang butlig😥. Di maiwasan makamot dahil ang kati sobra any tips naman po oh thank you😌.
I think PUPP din yan mommy. May ganyan din ako now, pero niresetahan lang ako ng anti-histamine(if ever sobrang kati lang) and calamine lotion. Nagstart PUPP ko nung 6 months ako and until now meron parin. I did my research and sabi after manganak pa mawawala yung kati. I suggest you go to your OB, mommy. para maresetahan ka niya ng gamot. pero don't worry if PUPPP yan kasi it's not harmful for the baby, tiis ka lang talaga sa kati.
Magbasa paGanito po ako mommy two weeks ago. 2months palang ako buntis nun. Nung tinanong ko si Doc possible daw na lumabas yung allergies ko sa malalansa. Di kami nag allergy test, pina iwas nya muna ako sa seafood, egg at chicken skin. Umokey naman na po, di na ako nangangati. Try nyo din po ask sa doctor nyo..
Magbasa panagkaganyan ako mi nung buntis ako. lumala kasi kinakamot ko. wala naman dapat ilagay kasi nakakatakot.. ang ginwa ko. kapag gani kapag nangangati, nilalagyan namin ng yelo na nakabalot sa towel dinadampi ko sa makati. nawawala wala naman.. mga 2 to 3 weeks bago nawala..
ako din nagkarashes nung ika 14wks ko.. ilang araw makati tlaga, nilagyan ko ng sunflower oil, powder pero makati parin after a while.. ang ginamit ko is Palmers na pang stretchmark na lotion at butter cream, ayun naging ok naman at unti unti na syang nawala..
Ako Dn ang dmi balikat ko , Binti , sa dibdib , at leeg 1st time nangyare skin to eh . Dr wongs naman gnamit ko effective naman sya . ska search ko okay nman sya pra sa buntis safe naman 😊
Gamit ka ng white na dove bilis makadry ng PUPPP rash, sakin buong legs ko nagkaganyan pati Tiyan ko after 2 weeks ko manganak nawala din siya, huwag mo kamutin masyado mas dadami siya
Momsh check mo kung magkakaroon ka sa binti, hita at braso possible PUPP rash yan sa tummy. Ganyan din ako nung 7months ko niresetahan lang ako ng caladryl lotion.
Lumabas din stretchmarks ko nung 7 months preggy ako, di ko naman kinakamot, hinahaplos ko lang sa ibabaw ng damit ko. 😫
Kaya ako dove Lang gamit kong sabon kasi ng nag try ako ng iba nangati ako kaya bumalik ako sa dove ulit
stretch marks na po yan mamsh. lagyan mo lang po polbo tapos himas himas lang para hindi dumami. 😊