?
Ano po ba dapat ko gawin.kase sabi ng mama ko di daw po ako ipapasama sa asawa ko hanggat hindi po kame kasal.kawawa naman si baby kung lalaki syang malayo sa tatay nya.kase po kung sa kasal gsto na po namin kaso po wala pa pong budget sa pagpapakasal.gsto pa naman ng mama ko smbhan ??pls need po advice.tia
Try niyo po muna civil wedding. Ipromise niyo na lang po kay mama niyo na magpapakasal din kayo sa church pag may ipon na. Para rin legitimate child si baby paglabas.
Mag civil na muna kayo para di magastos, mag promise nalang kayo sa mommy mo na mag church wedding kayo pag nakaipon na. Mas masaya kasama pa si baby sa church 😊
Pwedeng sa munisipyo muna sis. Mas mabisa pa nga yun kesa sa simbahan. Tsaka na sa simbahan. Unahin nyo yung needs mo at ni baby sa tummy mo.
Kame nga hndi pa kasal -.- Nag iipon pa Pero civil lang muna Saka na ung simbahan pag mai budget na. Mas maganda na unahin na muna ung baby .
Magbasa paMay point naman yung mama mo, sinesecure lang niya kayo mag ina. Mag ipon muna yung guy para sa maliit na kasalan. Tsaka na kayo mag bongga.
Civil muna. Kung ipipilit sa simbahan, sabihin mo sa mama mo siya gumastos hehe. Lagi nalang ginagawang rason para sa kasal yung bata.
Pwede naman po mommy civil wedding muna. Saka na po sa simbahan kung gusto nyo. Importante po kasama mo yung asawa mo and baby nyo..
Civil na lang po muna kasi since napakamahal magpakasal. Explain nyo na mag ipon muna kayo for church wedding.
I think may another way pa na pwedeng idaan sa kasal dont expect muna sa mother mo na sa simbahan ikakasal
May mass wedding din naman po sa church ask ka naman po sa information ng mga malapit ng church sa inyo