Need Advice

Ano po ba ang pwede gawin o pwedeng sabihin sa asawa na di man lang kaya mag adjust para sayo? Like puro na lang mobile games. Naiintindihan ko nman na walang work at wala nman siyang ibang ginagawa sa bahay, hindi ko nman siya pinagbabawalan sa paglalaro niya, pero dumating na sa point na kahit gabing gabi na tipong kakain na kami nag hintay ako skanya para sabay kami kumain tapos ang sasabihin niya kumain ako mag isa kung nagugutom na ako kasi naglalaro pa siya ng basketball kasama ang mga pinsan niya na maliliit pa skanya. Umabot na din sa point na hindi nya na ako kinaka usap kasi maghapon siya nag momibile games. Oo nagluluto nman siya pero, saglit lang un tapos laro ulit. Wala siyang time for me, pero sa ibang bagay meron, nagagalit siya pag pinagsasabihan ko siya. Pakiramdam ko mas kinakampihan niya pa ang mga pinsan niya kesa sa akin. Mas madami pa siya time para makipag bonding sa mga pinsan niya kesa ang mag usap kami. Ano po kaya ang pwedeng gawin ? Gusto ko sana umuwi sa probinsya at doon na lang manganak, kaso EQC pa din. Okay lang daw na maghiwalay kami bsta wag ko siya kontrolin. Mag damag kong iniyakan to. Hanggang ngayon. Na sstress na ako. ?

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi ka nag iisa. I feel you. Nako lalo na pag nakapanganak kana baka lalo pa sya sumobra sa di mo inaasahan. Kasi ako ganyan din asawa ko pero di pa kami kasal, nung di pako nanganganak ganyan sya lalo ngayon kung kelan lumabas baby boy namin tsaka parang lalo syang tumindi. Kapag di mo pinayagan lumabas sisimangutan ka at dika kakausapin, tapos puro laro lang di mag alaga ng anak namin pipilitin at pakikiusapan mo pa. Sabi ko nga sa sarili ko kung alam ko lang na ganto sana di na lang ako nabuntis o nanganak pero wala e eto na ang binigay sakin. May tinatawag kasing bf material at husband material, yun sanang husband material kahit di na bf. Kasi kapag nasa stage kana kung nasan ka tsaka mo lang malalaman marerealize lahat may punto pa nga na sa inis ko minumura ko na sya lalo pag di napipigilan paglalaro yung pag inutusan mo ayaw magpaistorbo. Panget yung ganyan dapat bago palang magbago na sya kasi magiging tatay na sya. Sa totoo lang bawal mainggit pero naiingit ako sa ibang may asawa at anak ma sweet sila sa asawa nila at inuuna ang pamilya kesa sa barkada

Magbasa pa
6y ago

Sana sis mag bago pa ang asawa ko, siguro naiisip ko ngayon lang to kasi pakiramdam ko bagot na bagot ba din siya gawa ng walang trabaho at naiintindihan ko din nman un. Ang ayoko lang ay wala siyang time for me. I need attention lalo na ngayon buntis pa ako. Napaka hirap. Pero pinag ppray ko na sana ay maymg bago pa. Sana pagkatapos bg Ecq na ito magbago ang attitude nya.