15 weeks preggy madalas na pag-iyak

Ano po ba ang epekto kay baby ng madalas ko pong pag-iyak, halos araw-araw na po kasi, minsan umaga hanggang gabi ganyan na nangyayari sakin. Ang hirap din naman kasing pigilan, ang sakit sa lalamunan. Wala rin po kasi ko ma-shareran ng problem ko kaya sa pag-iyak ko nalang inilalabas. Natatakot na rin ako kasi baga may masamang dulot kay baby. Pls, share your ideas po. Thank you mga momshies.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan ako sa pangalawa ko nun momsh, madalas kasi kami nagtatalo ni lip nun. Naging maselan ako sa pagbubuntis non kaya nagstop ako magwork. Magastos din sa ultrasound kasi every check-up ko di naririnig yung heartbeat ni baby kaya ultrasound ako agad to confirm na ok lang si baby, tuloy-tuloy yan hanggang 3rd trimester. Maliit din si baby nung nilabas ko. Kaya masama talaga momsh na madalas ang pag-iyak habang buntis dahil maapektuhan talaga si baby. You can always share your feelings here with us, anonymously pa kung gusto mo. Mahirap ang kinikimkim mo ng ikaw lang, tandaan mo, dalawa na kayo at sayo nakaasa ang baby mo. Kelangan mong maging matatag para sa kanya.

Magbasa pa

Parehas po tayo ganyan din po ako hanggang ngayon nag aalala nga po ako kase baka ung buong pagbubuntis ko puro negative nararamdaman ko. Ang ginagawa ko nalang po kinausap si baby na nah sosorry sakanya tas nagdadasal po ako na mas gabayan kami papa God. God Bless sayo! Lalo na sa magiging baby mo.

Magbasa pa