Red Flags

Ano po ang mga red flags sa isang lalaki bago kayo magpakasal sakanya? Ano po ung mga regrets nyo nung nagpakasal kayo? And ung mga "SANA" nyo before kayo nagpatali. Paki enlighten naman po ako. Mahal ko po tong bf ko pero may mga red flags na kasi akong nakikita pero nagbubulag bulagan lang ako. ayokong pagsisihan ko sa huli.. Edit: eto po mga red flags na nakita ko sakanya. Nung naging kami nag live in po agad kami. 1year. 28 po kami parehas. *anger management issue Palasigaw, palamura, walang diskarte sa buhay, medyo tamad, (lumaki kasi na binigay lahat sakanya ng magulang nya, ultimo kotse nya) nung nawala mommy nya, parang di na nya kaya sarili nya, ambilis nya magive up. Kahit sa work nya. Lagi nyang inaalisan. Mahina loob. Aminado sya dun. *pag sinisita ko sya sa pera nya galit na galit, sasabihan pa ko ng sino ba daw ako, bakit kelangan sabihin nya sakin ung mga pera nya. Bago sya umalis sa boss nyang chinese binigyan pala sya ng tip na 100k. Never nyang sinabi sakin un. Ubos na nung nabanggit nya, at nadulas lang sya nun. Kahit Jollibee wLa akong natanggap. Sabi nya pinampaayos nya dun sa nasunog nilang condo. Nung nagalit ako pinagbabato nya ung mga gamit sa bahay. *nabuntis ako pero nung unang checkup ko ako gumastos, di nya ko inaalagan, tanghali na wala pading makain, tulog padin sya (lockdown un, sya lang ang pwedeng lumabas) (then nakunan ako) *naalala ko nung before ako magpositive sa pregnancy, ramdam ko buntis ako. Sabi ko sakanya pano nga pag buntis ako, sinagot ako na "bakit, aasa ka sakin"? 😢 *pag magaaway kami isusumbat nya sakin ung mga pinakain nya sakin. Eto po reason bakit ako nagsstay sakanya, sobrang mahal na mahal nya ko. Di nya kaya mawala ako, hindi sya babaero, never syang tumingin sa mga babae sa fb or Instagram. Pinakilala nya agad ako sa family nya. Hindi sya mabisyo, walang yosi at alak. Di din sya palabarkada, lagi lang kasama pinsan nya at isa nyang best friend na tomboy, Pag naagaway kami sya lagi ang unang nagsosorry.. Lagi nya ko sinusuyo, bibigyan ako roses para lang magbati kami. Di ko lang po kasi alam kung ano ung mas titignan ko. Ung red flags ba o ung mahal nya ko. Alam ko kasi wala talagang perfect na lalaki. Pero acceptable ba ung mainitin ulo nya at parang pagdating sa pera wala akong karapatan sakanya. 😢

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Saken basta po hindi nananakit physically at willing din na magadjust. Kase lahat naman tayo me pangit na ugali pero pag napapagusapan, maayos. marami po talaga pagsubok pero pag parehas willing magkaayos kahit pa nakakapagod kung minsan, wlang hindi kakayanin. Hindi po tayo ngpapakasal pra maging sure dahil wla po talaga ksiguraduhan sa mundo. Its more about how you feel towards a person. Na willing ka rin tulungan siya na makita kung saan siya pwede magimprove.

Magbasa pa
5y ago

i agree with you sis. As long as hnd nanakit at willing mag adjust. Encourage at support your partner kung san din siya mahina. Hindi yong babatuhin mo ng ugali agad.