Rant lang po 😭😢

Eto kasing LIP ko may anger management issue, 28 kami parehas.. bago pa lang kami sinisigawan na nya ko at minumura even nung nabuntis ako. (pero di po natuloy dahil blighted ovum ako) Everytime na ginagawa nya sakin un nakikipaghiwalay ako kasi di ako sanay ng ginaganon ako. Nanliliit ako. everytime na magagalit sya maninigaw sya. Kaya uuwi ako samin at ikkwento ko sa parents ko mga ginagawa nya sakin sasabihin ko na ayaw ko na, di ko na kaya makisama sakanya, blah blah. 1 week or 2weeks andun ako sakanila. Pero konting amo at sorry nya lang sakin babalik nanaman ako sakanya. 2years na kaming ganon hiwalay bati hiwalay bati. Ang problema ko lang unti unti ng naiinis sakanya ung parents at kapatid ko. This time nagbalikan nanaman kami, di na sya pinapansin ng mga parents ko. Di naman nya alam na sinasabi ko lahat ng away namin sa mga magulang ko.. Pano ba gagawin ko para mabalik ko ung dating amor ng magulang ko sakanya. Ang hirap kasi. Kasalanan ko din na kinikwento ko lahat 😭😭

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sorry po ha, pero sobra niyo naman na po ata pinapahirapan sarili ninyo. 2years of on and off relationship, 2years na lagi ka niyang sinisigawan at minumura. Hindi pa po ba sapat yun para mag isip isip ng husto, inayawan na po yung lip mo ng parents at kapatid mo, hindi pa po ba yung sign para sayo na "ah mali talaga ang ginagawa sakin". I suggest pag usapan niyo yan ng lip mo, sabihin mo na mali yung ginagawa niya sayo na sinisigawan at minumura, baka naman po aantayin mo pa na saktan ka nya physically? Pwede pa siguro yan mapag usapan, baka mag bago pa sya kapag napag isip isip nya na hindi maganda mga ginagawa nya. Pero kung hindi parin sya magbago, it's your choice kung magsstay ka sa toxic na relationship o you'll set yourself free from hurt.

Magbasa pa