Red Flags

Ano po ang mga red flags sa isang lalaki bago kayo magpakasal sakanya? Ano po ung mga regrets nyo nung nagpakasal kayo? And ung mga "SANA" nyo before kayo nagpatali. Paki enlighten naman po ako. Mahal ko po tong bf ko pero may mga red flags na kasi akong nakikita pero nagbubulag bulagan lang ako. ayokong pagsisihan ko sa huli.. Edit: eto po mga red flags na nakita ko sakanya. Nung naging kami nag live in po agad kami. 1year. 28 po kami parehas. *anger management issue Palasigaw, palamura, walang diskarte sa buhay, medyo tamad, (lumaki kasi na binigay lahat sakanya ng magulang nya, ultimo kotse nya) nung nawala mommy nya, parang di na nya kaya sarili nya, ambilis nya magive up. Kahit sa work nya. Lagi nyang inaalisan. Mahina loob. Aminado sya dun. *pag sinisita ko sya sa pera nya galit na galit, sasabihan pa ko ng sino ba daw ako, bakit kelangan sabihin nya sakin ung mga pera nya. Bago sya umalis sa boss nyang chinese binigyan pala sya ng tip na 100k. Never nyang sinabi sakin un. Ubos na nung nabanggit nya, at nadulas lang sya nun. Kahit Jollibee wLa akong natanggap. Sabi nya pinampaayos nya dun sa nasunog nilang condo. Nung nagalit ako pinagbabato nya ung mga gamit sa bahay. *nabuntis ako pero nung unang checkup ko ako gumastos, di nya ko inaalagan, tanghali na wala pading makain, tulog padin sya (lockdown un, sya lang ang pwedeng lumabas) (then nakunan ako) *naalala ko nung before ako magpositive sa pregnancy, ramdam ko buntis ako. Sabi ko sakanya pano nga pag buntis ako, sinagot ako na "bakit, aasa ka sakin"? 😢 *pag magaaway kami isusumbat nya sakin ung mga pinakain nya sakin. Eto po reason bakit ako nagsstay sakanya, sobrang mahal na mahal nya ko. Di nya kaya mawala ako, hindi sya babaero, never syang tumingin sa mga babae sa fb or Instagram. Pinakilala nya agad ako sa family nya. Hindi sya mabisyo, walang yosi at alak. Di din sya palabarkada, lagi lang kasama pinsan nya at isa nyang best friend na tomboy, Pag naagaway kami sya lagi ang unang nagsosorry.. Lagi nya ko sinusuyo, bibigyan ako roses para lang magbati kami. Di ko lang po kasi alam kung ano ung mas titignan ko. Ung red flags ba o ung mahal nya ko. Alam ko kasi wala talagang perfect na lalaki. Pero acceptable ba ung mainitin ulo nya at parang pagdating sa pera wala akong karapatan sakanya. 😢

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Saken basta po hindi nananakit physically at willing din na magadjust. Kase lahat naman tayo me pangit na ugali pero pag napapagusapan, maayos. marami po talaga pagsubok pero pag parehas willing magkaayos kahit pa nakakapagod kung minsan, wlang hindi kakayanin. Hindi po tayo ngpapakasal pra maging sure dahil wla po talaga ksiguraduhan sa mundo. Its more about how you feel towards a person. Na willing ka rin tulungan siya na makita kung saan siya pwede magimprove.

Magbasa pa
4y ago

i agree with you sis. As long as hnd nanakit at willing mag adjust. Encourage at support your partner kung san din siya mahina. Hindi yong babatuhin mo ng ugali agad.

TapFluencer

pag napagbuhatan po kayo ng kamay kahit isang beses, iwan nyo na po agad. magiging cycle na po kasi yun physical and emotional abuse. dun po mag uumpisa lahat. and tignan nyo din po relationship nya sa parents, kapatid at mga pamangkin nya po. kung pano nya po itrato yung mga yun, ganun din po sya most likely sa magiging pamilya nyo po. based lang po to sa napag-aralan ko nung college ako, psych major po ako. 😊

Magbasa pa

Well.. based sa nashare mo sis, pagpray mo ung desisyon mo. Ung red flags na yan, pinapakita sayo yan. Wag mo hayaan. Marriage is a lifetime commitment. Hindi mo na mababawi na parang napaso ka sa mainit na kanin at iluluwa mo ulit. Wag kang matakot. Buti nga ngayon palang pinapakita na niya ung mga red flags na nasabi mo. At least you still have time to decide kahit masakit at mahirap.

Magbasa pa
VIP Member

Nakakapagod pakisamahan ang taong madaming issues sa buhay sis. Gagawin kang parang punching bag nyan because of emotional tortures niya sayo. Kakayanin mo ba yun? Hanggang kailan? Di mo mapapansin pero unti unti mo na pala nawawala sarili mo hanggang sa wasak na wasak ka na. Hindi madali mag buo sa mga sarili natin. Kung mahal ka talaga niya pahahalagahan at rerespetuhin ka niya.

Magbasa pa
VIP Member

medyo same case dun sa unang part.mahina dn ang luob.walang diskarte sa buhay.pero mahal mahal ko paren.minsan nakakapag sisi at gusto ko ewan.pero d ko magawa lalo na pag naiisip ko na baka dun sya mahina cguro dapat intindhin ko na lang.bahala na kung anung mangyayare.ang hirap ng ganun.mas maganda cguro wag muna kayo magpakasal baka kc pag sisihan mo lang dn sa huli.😊

Magbasa pa

Isipin mo Kung kaya mo bang tolerate mga red flags niya. Halimbawa, mabarkada, mainom, etc. Pero ganun naman talaga Hindi lahat Ng ugali niya magugustuhan mo. For sure may mga ugali ka Rin na ayaw niya. Ang masama lang yung nanakit, babaero at iresponsable. At Isa sa natutunan ko sa pag-aasawa, HINDI MO SIYA MABABAGO. Sarili lang niya makapagpapabago sa kanya.

Magbasa pa

exactly! agree ako sa live in muna sis. Hirap magkamali sa papakasalan mo sa panahon ngayon tsk. Live in kami ng halos 4 years ng hubby ko before we got married. 1st 2 years, dun makikita mga dark sides nyo tas grabi away. 3rd year makaka adjust ka na konti, tas 4th yr may understanding na kayo. Wag padalos dalos sa pagpapakasal.

Magbasa pa

Hindi ka nyan mahal.. Pramis. Please open your eyes on that part and ask yourself if you want a miserable life forever?? My personality issue yan, obsessed lng yan sayo, di ka nyan mahal. You're nothing but his property, someone he can manipulate.

Parang superficial lang yung love niya sayo sis. Kasi kung talaga totoo yung pagmamahal niya sayo, dapat sa lahat ng aspeto magkapartner kayo. Pag-isipan mo pong mabuti at ipagpray mo sis, si God mismo magrereveal sayo kung anong tamang gawin.

Kilalanin mo mabuti bago ka magpatali.. Kung my mga masma siyang gawain luke magagalitin, may bisyo, walang time sayo.. Maybe pag isipan mo mabuti.. Kaya mo bang tumagal sa knya? Kaya mo bang tanggapin lahat ng yun?