Red Flags

Ano po ang mga red flags sa isang lalaki bago kayo magpakasal sakanya? Ano po ung mga regrets nyo nung nagpakasal kayo? And ung mga "SANA" nyo before kayo nagpatali. Paki enlighten naman po ako. Mahal ko po tong bf ko pero may mga red flags na kasi akong nakikita pero nagbubulag bulagan lang ako. ayokong pagsisihan ko sa huli.. Edit: eto po mga red flags na nakita ko sakanya. Nung naging kami nag live in po agad kami. 1year. 28 po kami parehas. *anger management issue Palasigaw, palamura, walang diskarte sa buhay, medyo tamad, (lumaki kasi na binigay lahat sakanya ng magulang nya, ultimo kotse nya) nung nawala mommy nya, parang di na nya kaya sarili nya, ambilis nya magive up. Kahit sa work nya. Lagi nyang inaalisan. Mahina loob. Aminado sya dun. *pag sinisita ko sya sa pera nya galit na galit, sasabihan pa ko ng sino ba daw ako, bakit kelangan sabihin nya sakin ung mga pera nya. Bago sya umalis sa boss nyang chinese binigyan pala sya ng tip na 100k. Never nyang sinabi sakin un. Ubos na nung nabanggit nya, at nadulas lang sya nun. Kahit Jollibee wLa akong natanggap. Sabi nya pinampaayos nya dun sa nasunog nilang condo. Nung nagalit ako pinagbabato nya ung mga gamit sa bahay. *nabuntis ako pero nung unang checkup ko ako gumastos, di nya ko inaalagan, tanghali na wala pading makain, tulog padin sya (lockdown un, sya lang ang pwedeng lumabas) (then nakunan ako) *naalala ko nung before ako magpositive sa pregnancy, ramdam ko buntis ako. Sabi ko sakanya pano nga pag buntis ako, sinagot ako na "bakit, aasa ka sakin"? 😢 *pag magaaway kami isusumbat nya sakin ung mga pinakain nya sakin. Eto po reason bakit ako nagsstay sakanya, sobrang mahal na mahal nya ko. Di nya kaya mawala ako, hindi sya babaero, never syang tumingin sa mga babae sa fb or Instagram. Pinakilala nya agad ako sa family nya. Hindi sya mabisyo, walang yosi at alak. Di din sya palabarkada, lagi lang kasama pinsan nya at isa nyang best friend na tomboy, Pag naagaway kami sya lagi ang unang nagsosorry.. Lagi nya ko sinusuyo, bibigyan ako roses para lang magbati kami. Di ko lang po kasi alam kung ano ung mas titignan ko. Ung red flags ba o ung mahal nya ko. Alam ko kasi wala talagang perfect na lalaki. Pero acceptable ba ung mainitin ulo nya at parang pagdating sa pera wala akong karapatan sakanya. 😢

31 Replies

4 BASIC PERSONALITY TYPES: ----- 1. DOMINANT---Leader, bossy(utusero), pinakamabilis(fastest among the 4), super gusto resulta(show me results), needs control, siya ang nagko-control ng relationship, impatient, achiever, pag dominant baby at hindi mo binigay ang gusto, nagwawala.... Basic colors manamet.(clothing). Magaling kumita at dumiskarte. Likes pressure and can work with heavy pressure:) 2. PEOPLE-PERSON-- Bubbly, super masayahin, puno ng sunshine, wants the spotlight all the time, pag bata sya yung sasayaw at kakanta lalo na maraming bisita sa bahay, hindi nahihiya, kilala buong barangay at kapitbahay sa street nila, kilala sa school, super dami niyang friends everywhere, super fun na tao, loves going out, loves parties, talks a lot. Pag galit, putak nang putak. Exaggerated magkwento. Colorful manamet.(attention grabing fun colors). Extrovert. Very expressive. Great starter but poor finisher. 3. GENTLE-SUPPORTIVE----Pinakamabaet sa 4 personalities. Super baet sa lahat. Super supportive. Super matiisin. Will lie just to avoid argument and confrontation. Pag galit or offended, papasok sa cave, silence. Walang usap. Tahimik pag may tensyon sa bahay. Super martyr to the point na tanga minsan. Kaladkarin ng ibang more stronger na personality. Sobrang good listener. Pero pag pumutok dahil sa naipon na sama ng loob, nagiging monster. Daming hidden na sama ng loob sa puso. Ang baby na ganito, laging naka-smile, bihira umiyak. Does not like pressure. Shuts down when pressured. 4. DETAILED OC METIKULOSO---Eto magaling sa Math and subjects that require attention to detail. Lahat kinukutkot, lahat iniisip ng malalim. Not easy to trust others. Very loyal. Gusto pulido ang trabaho. Naiinis pag walang detalye at hindi excellent na gawa. Pinaka-nakakapansin ng lahat ng mali ng partner niya. Lahat kinokorek. Lahat dapat may sistema. Mabilang na parang accountant. Honest magsalita if trust ka nya. Gusto tama ang paraan at solusyon, hindi yung mabilis lang. Introvert. Allergic sa maraming tao. Cannot take too much parties. Baka makatulong to para maintindihan nyo bawat Isa. credit to: RELATIONSHIP MATTERS.PH

first, walang permanenteng trabaho. kahit may trabaho ka, dadating ang panahon na kailangan mong tumigil para magfocus sa mga anak lalo na pag maliliit pa. kailangan stable ang work ng lalaki at kaya kau suportahan. second, kaya ka ibukod. kung di man makapagprovide ng sariling bahay, atleast willing siya na iwan pamilya nia para humanap ng titirhan niong 2 na apartment. hindi maganda ung ititira ka nia kasama ng in laws, thats a big RED FLAG. third, kaya ka panindigan lalo na pag mejo alam mo na, masulsol ang in laws. dapat ang lalaki mas kampi sau kung wala ka namang ginagawang masama. pag nabuntis ka ng lalaki, paninindigan nia yan, pakakasalan ka at bubukod kau. fourth, hindi babaero at hindi rin bugbugero. common sense naman na kapag niloko ka na, aba mag dalawang isip ka na pakasal jan sa lalaki.. pag binugbog ka isang beses pa lang, layasan mo na. so far ito ung importante para sakin. wala naman ako regret pero base sa mga rant na nababasa ko dito, ito ung mga karaniwang problema. hindi perfect ang asawa ko pero kaya nga 10 years inabot bago kami magpakasal dahil alam nia na yan ung mga hinahanap ko sa lalaki.. nagpakasubsob siya sa work, nagpataas ng sweldo para makaya nia ko buhayin at ibukod. mabait naman ang MIL ko pero desidido siya na bumukod kami at di na umasa sa MIL ko sa Switzerland. kahit wala kaming sariling bahay, ung wish ko na tumira sa condo, pinagbigyan nia pa rin. at nung nabuntis ako, lahat ng gaming gadgets nia binenta nia para sa baby namin. ganun siya karesponsable. kaya happy ako sa marriage life ko.

Wala akong masabi kasi hnd pa naman ako kasal pero i think try niyo muna magsama sa iisang bubong.Nong nag.aaral ako pinaka ayaw ko tlga yong mag live in muna. Pero nong naging independent ako nag iba yong pananaw ko. 5 years akong single at nong naging boyfriend ko itong partner ko ngayon never ako nagsisi na nagsama kami ng maaga like ilang months lang nong naging kami. Don nakita namin pareho ugali ng isat isa. Ilang beses narin kami nag away at muntikan magbreak. Ilang luha rin inubos ko pati nadin siya. Pero d tlaga namin pareho kaya iwan ang isa't isa kahit anong away pa. Sa ngayon pareho nadin kami nakapag adjust. Pag.uusapan lang namin yong mga bagay2 at hnd na namin dinadaan sa away. Naging peaceful at masaya pagsasama namin. Going 3 years na kami at may coming baby nadin.😊😊🤗 Ang masasabi ko lang siguro try mo mag.open up sa kanya. Communication is best parin. At kung ano man yong result ng pag uusap niyo at kung may pagbabago bang nagaganap, then you can decide. God bless po.

Di ka nyan mahal. Umaasa lang yan sayo. Kasi kung mahal ka nyan, aalagaan ka nyan, hinding hindi niya sasabihin na aasa ka lang sa kanya kasi buntis ka, partner mo nga di ba? Hindi niya nakikita worth mo. Pagisipan mo mabuti bago ka magpakasal. Dapat tulungan kayo at hindi ka dapat niya pinagsasalitaan ng masasakit na salita. Asawa ko hindi din babaero, pala-asa sakin sa lahat ng gawain pero masaya akong pinagsisilbihan siya dahil naipo-provide niya lahat ng kailangan ko at never niya ako pinagsalitaan ng masakit. Wala din bisyo, ni katiting na duda wala din ako kasi accessible ko lahat ng social media at phone niya. Pagisipan mo mabuti yang ugali ng partner mo, ganyan ex ko, narealize lang niya nung wala na ako. Kaya ngayon masaya ako sa asawa ko.

yes walang perfect partner pero dapat responsible, respectful, emotionally and financially independent yan ang maging sourceof strength mo..ok lang kung hinde mayaman basta pag nagplan xa dapat always "we" hinde puro "I"lang .Openness is the key . The mere factna binahay kanya dapt hes willing to share things with you, act like he is a man of the house ,ung husband figure xa at ikaw as in wife na kahit hinde pa kasal.Hinde pwedeng parang nagbabahay bahayan lang, ung nasa isang roof eat sex repeat lang. may mga responsibilities ang mag asawa .hinde ka sis mabubusog ng pagmamahal lang. sa totoong buhay hinde sapat ang suyo suyo ng flowers chocolate at tampo tampo kuno. wala na sa stage ng bf/gf lang..

VIP Member

I don't think mahal ka nya, kasi kung mahal ka nya, dapat nirerespeto ka nya, hindi ka minumura, binabato ng nga bagay etc. I think he is just comfortable being with you and the life he set with you. Imagine nabuntis ka pero wapakels sa well-being mo and your child, that's the ultimate red flag here. Finances and talking about your finances when you are married or together in one roof is very crucial. If you can't talk about it without launching a war, mag isip isip ka na momsh. Is love really enough? are you willing to give up your entire life living with someone like your partner? Are you ready to see your child's reaction when he/she witness you fight over money?

VIP Member

Natural yan sis kasi wala nmng perfect. Walang kahit sinong lalake ang mgiging perfect. Sabi nga" walang ganun mars ". Kahit asawa ko may mga pagkukulang at ngiging pagkakamali din pero mahal na mahal ko pa din. Kasi kung talagang mahal mo ang isang tao, dapat tnggapin mo lahat sa knya either good or bad side nya. As long as di k nmn nya sinsaktan at nkikita mo nmn na nagsusumikap sya para sa mgiging future nyo. At higit sa lahat, mahal nya ang pmilya mo at nirerespeto nya gya ng kung pano ka nya mahalin at respetuhin. Obeserve mo muna kung matagal ng gnyan sya at di mo nman nakikitaan ng pagbbago then siguro saka ka mgdecide kung dapat mo na ba syang hiwalayan.

impossibleng makita mo lahat ng gusto mo sa isang lalake. lahat ng ugali nya kelangan mo tanggapin, kung nakikita mo na yung mga ayaw mo ngayon pa lang at tingin mo di mo yun matatagalan in the future, magdecide ka na. ano ba mas kaya mo ihandle, yung future na hindi na sya ang kasama o future na hindi ka sigurado kung magiging masaya ka dahil sa mga ugaling ayaw mo sa kanya. ang LIP ko ngayon, sa dami ng ayaw kong ugali nya masaya pa din ako/kame kasi napupunuan na ng kokonteng bagay na gusto ko sa kanya yung madameng bagay na ayaw ko sa kanya. may regrets, oo. kasama lahat yun. di tayo nabubuhay sa fairy tale. 😅

may red flags din ako sa partner ko sinabi ko sa kanya lahat one time nagaway kami binago naman nya ngayon okay na okay na kami, before kami mag baby live in kami ng 1 year nakita ko lahat ugali nya dami naming away until now pero kaya na namin handle misunderstanding namin di tulad nung una. Ngayon mas madami pa syang kilos kesa sakin lagi nya sinasabi sya na gagawa bantayan ko na lang anak namin 😊 malaki pinagbago nya sa una naming pagsasama lalo na nung nagkababy na kami

aanhin po ang pag mamahal kung nawawala ang salitang respeto? sabi po ninyo mahal ka niya. pero sinusumbatan at hnd ka maalagaan. sinisigawan at minumura pa po kayo. hnd ko po masasabi na pag mamahal po yun. ayaw lang po niya na na iwan ninyo siya kasi alam niya na wala ng ibang kayang tumanggap sa kanya. takot po siya na mag isa. lalo na po sinabi ninyo na wala na ang mama niya. para po kasi sa akin. masasabi mo na mahal ka ng isang tao kung my respeto po siya sayo. ♡L.S

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles