Ano ang unang mas ideal na iinvest? Kotse o bahay?
Kaya ko pa naman mag commute kaya bahay muna unahin ko. Ang mayari kase ng bahay na inuupahan ay unpredictable, pwede ka nyan paalisin anytime. Naranasan na namin paalisin sa bahay na inuupahan namin, hindi dahil sa hindi kami makabayad kundi gusto lang ng may ari na patirahin yung mga anak nya na uuwi na from US. 1 week notice lang binigay sa amin, kaya ang hirap talaga maghanap. Bukod pa jan yung maghaha gilap ka ng advance at dp ora mismo. Kaya sabi ko sa sarili ko, bahay ang uunahin ko ipundar. Sa awa ng panginoon pareho nyang ipinagka-loob ang sariling bahay at sasakyan.
Magbasa paMadami ng affordable na bahay ngayon mommy at pwedeng i-pag-ibig pa. Sobrang bilis kasi bumaba ng halaga ng kotse. Pag labas nyan ng casa automatic depreciated na ang value nyan. Yung bahay, pataas ng pataas value nyan. Annual, kayang tumaas nyan ng minimum 5% base sa purchased price. Pero syempre dapat well-maintained ang bahay. Mas magandang mag invest ngayon sa mga bahay hanggat mura pa, baka pag dating ng 10 more years pa, 3 million na ang pinaka murang bahay at lupa kahit yung mga nasa Cavite at Bulacan na inaadvertise sa net at sa mga buses.
Magbasa paMasyadong mabigat iinvest yun bahay para sakin lalo nat kailangan mo pa ng lupa para makapag patayo ng bahay at hindi mo pa sya agad matitirahan habang ginagawa. That's why I chose the car first, since may parking space naman yun appartment namin. nagagamit namin yun car kapag may bbilhin or may pasok sa school or office. less hassle compared sa pag cocommute, ngayon na may oto na kami nag sstart na kami mag ipon para sa lupa na titirikan ng magiging bahay namin.
Magbasa padepende po. kasi pwede ring income generating ang kotse like put it on rental kung di nyo naman laging magagamit. or grab. ganun.para in time maka-save kayo para sa bahay. pwede ring income generating ang bahay like bedspace para in time makabili ng kotse. kaya depende pa rin po sa inyo. kung wala naman po kayong balak pagkakitaan ung dalawa, siguro mas maganda if bahay nalang muna.
Magbasa paI choose bahay, kasi madami means of transporation lalo na ngayon may build build build project na. I aayos na din ng govt ang transportation system naten. Mahal, oo! Pero atleast hindi ka na mag woworry kung saan mo. Papatirahin ang family mo, and tumataas ang value ng bahay and pwede mo pa ipamana sa mga anak mo soon.
Magbasa pahindi po investment ang kotse kc hbang tumatagal bumababa market value plus sobra taas ng maintenance, hindi lng po gasolina gastos jan, dami gastos nyan yearly n kung wala k enough fund, sayang lang. di gaya ng bahay/lupa, tumataas market value..kya dun plng po sa tanong n "invest", mali na po agad ang kotse 😉
Magbasa paMaginvest ka muna sa Bahay. Mas magiging settled ka kung may sarili kang bahay. Bumababa ang worth ng sasakyan habang tumatagal, costly rin ang maintenance, kaya considered ito na LIABILITY kesa investment kasi palabas ang pera. Unless na lang gagamitin mo for business na magegenerate ng income.
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-17103)
Sa pananaw ko, mas convenient ang sasakyan, pero kasi ang bahay hindi nagde-depreciate ang value e. Kaya plano ko kumuha ng loan sa pag-IBIG para sa puhunan at maumpisahan ang mahabang pagtayo :)
ako po mas inuna ko un motor at tricycle. of need ko pagpasok sa work..besides 3 yrs lng po un..then nun meron na nakitang magandang place to settle..saka po kumuha ng bahay..