Ano ang mas prefer ninyo na gift sa birthday ni baby - pera or gamit?
Ang nangyari samin nung first birthday ng baby ko, madaming pera ang nagbigay. Meron din mga nagbigay ng gift, pero yung halos iba dun kami din tinatanong kung ano yung gift na gusto namin. Binibigyan namin sila ng list pag nanghihingi. Siguro kung mga close friends mo, send them wishlist, para din di na sila mahirapan magisip. Grateful pa din sa mga ibang natanggap. Halos lahat napakinabangan lalo na mga dresses, tho malalaki pa kay baby ko, but eventually magagamit din naman. Nakatipid tuloy kami sa pamimili ng damit. π€ππ
Magbasa paEither will do depende sa magbibigay kung nakabili ba siya at prepared or kung naman hindi cash na lang. Okay din cash kasi mabibili mo needs ni baby aside sa gamit. Kapag gamit naman ang gift, okay din kasi atleast kung maulit man ung gift or pare pareho, di mo na need bumili ulit nang bago. Kasi from time to time papalitan mo din naman baby essentials mo for hygiene para kay baby. Atleast may reserve kang gamit incase may masira or maluma na. :)
Magbasa paas a mom, it's not something i will ask in behalf of my baby, giving gifts is free will and own choice of attendees, kapag po ba hindi ngbigay ng either money or gamit you'll take it against the person? be thankful enough with their presence, no need to count what or how much you received, after all, its for your baby and any material or money won't matter pa to him/her π
Magbasa panice one mommy π
I prefer money na lang kasi at least walang sayang, mabibili mo kung ano talaga ang kailangan ni baby. Based on experience, hindi ko alam kung bakit walang nagreregalo sa babies ko ng baby stuff na talagang useful and unique man lang. I really don't expect anymore from guests, ung tipong parang hindi pinag-isipan ung pagbili ng regalo. :(
Magbasa pamas prefer ko money, pero ung pera na yun nde ako ung gagamit or gagamitin for beeds nya, i opened a bank accnt for her she'll decide what to do with it when she knows how to. pero kung gamit, ung consumables nya like diapers or wipes, toiletries or vitamins na lang. nag gigift registry kasi ako. para walang hindi nagagamit. lahat sulit
Magbasa paKapag family, alam nila na pera haha. Pero kapag mga close friends or ninong/ninang na nagtanong ng wishlist, sinasabi ko yung gamit na mga plan ko talaga ibuy kay baby. Minsan kahit sinabi ko yung gamit, pera nalang binibigay tapos ako nalang daw bumili haha. Kapag ibang tao, kung ano ang gusto nila ibigay.
Magbasa paKahit ano, thankful ako. :) Kasi kapag money, para rin yun sa future ni baby, kapag things naman, magagamit rin ni baby and at the same time, narerealize ko kung gaano ka thoughtful yung nagbigay kasi, nag-allot pa sila ng time to buy and choose a gift for my baby.
As a first time mom po kahit ano ibigay sa anak ko nagpapasalamat na po ako. Gamit man or pera napakalaking bagay na po yun. Kung mamimigay sila okay lang po,kung hindi okay lang din po since lahat naman po tayo eh naapektuhan sa pandemic na ito.
Either, ok lang naman. Pero mas ok na din ang cash kasi mabibili mo ng kung ano pa ang kailangan na gamit ni baby. May times kasi na pag gamit na mismo niregalo, minsan nadodoble kasi meron na sya or hindi naman useful for the baby,
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-18340)
Wife | Mom