Ang hirap ng walang sariling pera 😒

Ang hirap ng walang sariling pera mga mi. Asa lang ako sa asawa ko. Pero 24/7 ako nag aalaga sa anak namin. Good provider naman ang asawa ko, kaso nga lang kapag may sinasabi akong bibilhin ko na gamit para kay baby which is importante naman ay lagi nyang sagot "wag" "wag na". Nasasaktan lang ako kasi ultimo damit ni baby kapag sinasabi kong bibilhan ko e laging "wag" "wag na". Although may mga damit naman ang anak ko pero naliitan na nya kasi yung iba. Yung mga pambahay nya e bigay lang din ng mga pinsan nya. Natutuwa naman ako kapag binibilhan sya ng mga tita nya pero iba kasi kapag ikaw mismo yung bumili para sa anak mo. Hindi ko naman winawaldas yung sahod na inaabot sakin ng asawa ko, napupunta naman sa mga pangangailangan ng anak namin. Pero sa tuwing ipapaalam kong bibili ako ng gamit nya lagi syang tutol. Kaya ang hirap ng walang sariling pera mga mi, hindi mo mabili yung mga gusto mong gamit para sa anak mo 😒

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same mii,di ako makapag-work kase maselan ako. Maliit lang din sahod ni Hubby,di nman sya madamot hinahayaan nman niya ko mamili pero yun nga sabi mo iba padin pag sarili mong peraπŸ˜”.

same wala ring sariling income pero sakin lahat ng sweldo ng asawa ko at wala syang pake kung anonv gusto kong bilhin wala ka takaga marrinig na maghahanap ng pera πŸ˜…

True Yan mi..Buti khit pano may sideline ako khit sa Bahay lang Kaya wlang say si Mister pag may gusto ako bilhin..Nakakahiya kc manghingi khit para din sa anak nyo..

same mii. binibigay nmn lahat sweldo niya saakin hinayaan lang niya ako ano gusto kung bilhin pero iba din sarili mong pera.

Try mo po magonline selling as a reseller po. para magkaincome ka po mami 😊

TapFluencer

Apply ka WFH mii