First time Mom

Ang hirap kapag wala kang kasama or katulong sa pag aalaga kay baby. Hindi naman mahirap or stressful alagaan ang little one ko, hindi kase siya iyakin. Dede at tulog lang siya. Yun nga lang minsan antagal niya matulog, magmunimuni or tulala lang siya tapos kapag nakaalala saka siya magtantrums. Yung puyat or walang maayos na tulog lang talaga ang nakaka iyak para sakin. Hindi naman dahil tulog si baby makakatulog na agad ako. All by myself lang talaga ang pag aalaga ko kay Little One. Haaaaaayyy

62 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same here. Pagkaroom in na pagkaroom in ni baby sa room namin sa hospital wala na iba nab asikaso kundi ako. CS ako, yung manhid pa katawan ko at di pa pwede gumalaw pero wala akong choice kahit bawal tumatagilid na ako para padedehin sya. Yung sobrang sakit ng tahi pipilitin kong bumangon para palitan yung diaper nya. May bantay naman kami pero pagkakain, tulog agad. Currently 23 days na si baby and since then maswerte na yung may tulog ako na 4hrs a day, ako lang talaga nag aalaga. Si lip although mahal nya baby namin pero parang never pa nya kinarga simula nung na discharge kami kahit sobrang iyak na. Ang hirap kasi di ako makaligo ng maayos, di makakain ng gamit dalawa kong kamay dahil yung isa, hawak si baby.

Magbasa pa
5y ago

Same momsh. Ako naman wala LIP oo. Yong paliligo dikona muna iniintindi linis nalang katawan esp breast. Tapos swerte nako kung maka sleep ako ng 4 hrs a day. Diko naman sya magawang sabayan sa pagtulog kasi may mga gawaing bahay pa

Same tayo sis minsan pagtapos nya dumede at napadighay ko na sya nakakatulog sya sa dibdib ko tas pag nilapag ko na ayun didilat na ulit tamang tulala at munimuni lang sya tas magugulat nalang ako bigla nalang syang iiyak. Pag madaling araw nakikiusap ako sa lip ko na baka pwedeng bantayan nya saglit kahet konting tulog lang kase umaga nanaman gigising ako kaso minsan pinagaawayan namen akala mo di nya anak aalagaan nya nakakasama ng loob di nila nakikita yung hirap naten simula palang nung buntis tayo. Ang hirap kaya walang tulog habang nagaalaga☹️

Magbasa pa

Super relate. Dumating pa ko sa point na umiyak na din ako kasi di mapatahan si baby. Pero may katulong naman ako sa pag aalaga. Un MIL ko. Si husband ksi nagwowork kaya sa gabi lang sya nasa bahay. Eh need nya matulog kaya sa madaling araw. Ako ang nagpupuyat talaga. Tas tulog ko lang araw araw 3hrs. Swerte na maka straight 4hrs na tulog. Tiis tiis lang. Pag mommy ka na. Matitiis mo na talaga lahat ng hirap at pagod para sa anak mo. Ineenjoy ko na lang din to kasi mabilis lang lumaki ang baby. Hindi naman sila habang buhay baby.

Magbasa pa
5y ago

Same! Nakakainis lang minsan pag ni mil nagaalaga ang ingay kasi haha hamham ng hamham tapos kung maka hele lakas lakas

Buti nga momshie hindi iyakin anak mo magpasalamat kana lang na kahit mag isa ka nag aalaga sa anak mo Ako mag isa lang din ako nag aalaga sa anak ko cs ako Mas mahirap sakin kasi iyakin at napaka bugnotin nya Tapos sanay pa sya sa karga hindi sya kagaya ng ibang baby na natutulog lang ng kusa Sya nagwawala muna tapos mag iiyak ng subra Kaya maging thankful ka na ganyan anak mo😂 anak ko tulog sa umaga gising sa gabi mas mahirap yun

Magbasa pa
5y ago

6th months napo sya ngayung araw

first month ni baby ganyang ganyan ako. nakakaiyak. haha. umuwi nga kami kina mama pero ako pa din naman lahat kaya sabi ko sa hubby ko, uwi na lang kami sa apartment namin, same lang naman. ngayon nakakatulog na si baby sa gabi ng 3 hours, gigising lang para dumede. kaya kahit papano nakakatulog na ako kahit putol putol. laban lang momsh. mamalayan na kang natin yan, ayaw na magpa-hug kaya i-savor na lang natin lahat ngayon.. 😊

Magbasa pa

same situation tayu mommy 😥 .saken naman may kasama ako dto s bahay kaso parang ako p yung hinhintay n kumilos .ni hindi man lang maisip n hnd biro ang mag alaga ng baby lalo n iyakin yung baby ko 😥 halos lahat ng gawaing bahay saken .. kaya minsan nalilipasan ako ng gutom matapos ko lng ggwin ko .minsan nga sinabihan ko asawa ko n ang hirap maging OFW 😂😥 yung katulong kna s loob bhay😂😥 saklap 😥😥

Magbasa pa
VIP Member

Same. Kami lang mag iina sa bahay 9years old, 7, 4 at 15months old baby buti na lang yung bunso ko sige lang laro dede kung magpakarga man saglit lang sa gabi tuloy tuloy lang tulog gising dede tulog. Pinakamahirap lang tuwing maysakit kasi madalas nagsasabay yung dalawa magkasakit as in partner. Feeling ko kape lang gumigising sa diwa ko tuwing maysakit sila. Fighting lang at tama na etong apat😂

Magbasa pa

Sis, first time mo po u need assistant kay baby. Lalo na naga adjust palang kayong dalawa. Kahit hindi sya iyakin ngayon may possibility na magbago ang personality at routine nya. Much better kung may makakatulong ka sa pagalaga sa kanya. Pero kung talagang magisa ka lang then im so proud of you. 😊 keep it up mommy, pahinga rin kapag may time kasi ikaw lang inaasahan ng baby mo.

Magbasa pa

Same here momsh, since malayo relatives namin both ako lang talaga nag aalaga sa lo ko. Walang ka salitan mahirap pero nakasanayan narin..Minsan nga start akong maglaba matatapos hapon na. Pag iiyak c baby titigil nanamn ako.. minsan sinasabay kona pag luluto at paglalaba para matapos kolang mga gawain ko. 7months na baby ko ngayon fight fight parin..laban lang momsh 😊😊😊

Magbasa pa

Thanks mga mamshies! May mga times na napapaiyak na lang talaga ako, yun ung mga panahon na super antok ka na tapos ayaw pa matulog ni baby. Ung tatay naman niya hindi nag aalaga. Kahit papano maswerte pa rin siguro ako kase maghugas ng pinggan at pag alaga kay baby ang ginagawa ko. Mas nakakabilib talaga mga mamshies na nagaalaga na ng baby then may mga household chores pa.

Magbasa pa