First time Mom

Ang hirap kapag wala kang kasama or katulong sa pag aalaga kay baby. Hindi naman mahirap or stressful alagaan ang little one ko, hindi kase siya iyakin. Dede at tulog lang siya. Yun nga lang minsan antagal niya matulog, magmunimuni or tulala lang siya tapos kapag nakaalala saka siya magtantrums. Yung puyat or walang maayos na tulog lang talaga ang nakaka iyak para sakin. Hindi naman dahil tulog si baby makakatulog na agad ako. All by myself lang talaga ang pag aalaga ko kay Little One. Haaaaaayyy

62 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hayyysss gantong ganto ako minsan gigising si lo 2:40am tapos hanggang 8am gising tapos wala pa akong tulog padedehin mona gising padin ihele mona gising padin gusto kong mainis pero diko magawa kasi wala naman kasalanan si lo hindi nadin ako maka kain ng maayos naiiyak nalang ako minsan pero sabi ko sa sarili ko okay lang na mapuyat ako wag lang magkasakit ang baby ko

Magbasa pa

Ganyan din ako nuon sa panganay ko..umuupa kami NG asawa ko..tapos pag papasok n asawa ko sa work.dalawa nalang kami NG anak ko..lahat ginagawa ko.maglaba magluto malinis.naranasan ko din maligo ng naka sakay di baby sa rocker at NASA harao ko sya.para Lang mabantayan..sobrang kakapagod kc Wala Kang katuwang..pero kinaya ko..kakayanin mo Yan sis..

Magbasa pa

Kala mo lang di mo kaya pero when one becomes a mother walang di kakayanin para sa anak. I am a fulltime mom of one 3yr old boy and a 9month old baby girl. Solo parent ako pag weekdays. Weekends lang nakakasama si hubby so weekends lang may katuwang sa pagaalaga. Its tiring, stressful and frustrating at times but its all worth it😊

Magbasa pa

Yes mommy ganyan talga pag mommy kna kc lahat ng d mu ngagawa dati ..ngyun magagawa mu at bilang isng ina kakayanin mu ang lhat kc no. Choice Karin pag umasa ka Kay hubby mu msasanay Karin mommy sa lahat .wlang pa akong narinig na mga mommy na sinusukuan ang pagud sa pag aalaga carry mu yan sis..

Same feels mommy. Nun bumalik work na si hubby, dun na ko nahirapan but ngayon I’m getting used to it and nabawasan narin pagiging iyakin ni baby ko. Ang problem ko ngayon, paano pagbalik ko work, may 1month pa ako pero ngayon pa lang nahihirapan na kong isipin pano pag nasa work na ako.

Gatas lng mamsh pag tulog baby mo inom ka gatas para makatulog ka. Ako super puyat din ako kahit nman nandyan asawa ko may pasok sya kaya di ko na sya ginigising minsan. Kaya ginagawa ko pag tulog nya ng hapon tulog din ako kahit 2 hours lng malaking bagay na yun mamsh

VIP Member

Preparing for this😞😓 for my second born.. nireready ko na sarili ko paano ko maipag sasabay na may nag aaral ako na g1 palang😞 at need pa talaga asikasuhin.. pero kakayanin... Fight lang din mamshie, ienjoy mo nalang po at the sametime alagaan din ang self..

5y ago

same tayo momsh. pero yung first born ko, laking tulong na din kahit tagaabot ko lang ng mga bagay bagay at saka taga tingin kay baby kapag magbabathroom break. nakakatuwa pagmasdan kapag aliw na aliw sya sa baby sister nya. ☺️

Same hays. Tapos may gawaing bahay pa. Sabi nila sabayan ko daw sa tulog si baby e pano ko sasabayan kung maglilinis ako ng bahay , maglalaba ng damit ni baby at mamamalantsa ng damit niya. Hays nakakapagod talaga. Lalo na baby boy pa sobrang lakas dumede

VIP Member

Kaya nyo po yan momsh 😊 sulitin nyo nalang po yung every moment nyo ni LO, pagdating po ng araw mamimiss nyo po yung ganyan. Hehehe. Pag pagod kana momsh, tignan mo lang po si LO para bumalik lahat ng lakas mo and pray lang po kayo lagi.

VIP Member

kayang kaya mo yan mamsh lahat ng bagay nakakaya ng isang ina lalo na para sa anak.ako dati sis pati pagligo niya di ko alam kung paano di ko rin alam na after magdede ipapaburp pa kaya di ko talga alam natutunan ko lang.kaya mo yan sis