Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Got a bun in the oven
Hilik
Hi mga mommies tanong ko lang po normal ba sa baby yung humihilik? natatakot kase ako baka may halak sya pero pinacheck up ko sya ok naman daw baga nya worried lang first time mom po kaya maraming tanong. Yung parang may namuong sipon sa lalamunan nya pero wala naman po syang sipon.
DO
Hi mga mamsh tanong ko lang kung kelan pwede makipag DO kay hubby? 1month na baby ko. Btw normal delivery ako. Ftm here. Kung walang magandang isasagot wag nalang magcomment wag kayo pavirgin, unahan ko na may mga epal kase dto na lalakas mambash e.?
L.o
Hi mga mommies pano po kaya ulit dedede saken si lo ko nawalan kase ako ng gatas kaya pinadede ko sya sa bote tas ngayon na pinapasuso ko sya ayaw na nya niluluwa na nya patulong naman po☹️
Lips
Mga mommies pano po tanggalin yung parang namuong balat sa labi ni baby ang pangit kase tignan nangingitim. Salamat po sa sasagot.☺️
Sa wakas!♥️
SHARE KO LANG BIRTH STORY NG AKING BABY BOY? LINCOLN KIEL C. ECO EDD: FEB. 11, 2020 DOB: JAN. 31, 2020 TIME: 1:57pm 3.2kg VIA NSD 38weeks&2days Jan.29 Paguwe ko galing center para magpacheck up sumasakit na puson ko pero di naman yung grabe kaya hinayaan ko lang baka natural lang paguwe ko nag cr ako may nakita akong brown discharge sa panty ko yun na pala yung sign. Jan.30 Paggising ko pag cr ko may dugo na parang sipon na sa panty ko mas lalo nakong kinabahan kaya nagtanong tanong ako kung ano yun dumiretso kame sa mother and child pag i.e saken 2cm nako nagopen na pala cervix ko pinauwe nila ko balik nalang daw ako pag mas maraming dugo na lumabas saken maglakad lakad nadaw ako tagtagin ko nadaw sarili ko. Paguwe namen naglakad lakad nako kahet panay saket na ng puson ko napapahinto kame sa sobrang saket na umaabot ng 1mins siguro yung saket pero tuloy padin sa paglalakad. Jan.31 ng madaling araw Eto na di nako tinigilan sa sobrang saket na halos mangiyak nako pag sinusumpong dinadaan ko nalang sa idlip pero nagigising ako pag sumasaket binilangan ko kada 5mins na yung saket nya pero tiniis ko hanggang tanghali. Hindi ko na talaga sobrang dami nadin ng dugo na lumalabas saken kaya naligo agad ako at dumiretso kame sa hospital pag i.e saken 7cm nako kata inadmit agad nila ko. Sinaksakan ng suero tinurukan ng pampahilab pagdala saken sa labor room mas lalong nagiba yung pakiramdam ko naiihi ako sa sobrang hilab ng tyan ko ire nako ng ire dko na alam gagawin ko hanggang sa pumutok na panubigan ko sige padin ako sa pagire halos 20mins siguro inabot yun hanggang sumigaw nayung doctor na lalabas na kaya nilipat nako sa delivery room pinapaire nila ko sabay ko daw sa paghilab ng tyan ko at sa wakas sa isang irehan lumabas ka agad narinig ko agad yung iyak mo wala nakong ibang pinansin kundi ikaw lang habang nililinisan ka nila pagkalinis sayo nilagay ka nila sa dibdib ko halos mangiyak ako sa sobrang saya kase normal at malusog ka dko ininda yung tahi saken kase sayo lang ako nagfocus. Worth it pala talaga yung lahat ng saket sa paglalabor pag nakita muna yung dahilan bat kinaya mo lahat?? GOODLUCK SA MGA NANAY AT MAGIGING NANAY PALANG❣️
38weeks&2days
Hi mga mommies ano po kaya to? natakot po kase ako hindi po ba sya dugo? naglakad po kase ako simula center hanggang samen pagihi ko po ganyan nakita ko tas medjo sumasaket yung puson ko nawawala tas babalik pero di naman po sobrang saket. 38weeks&2days napo ako ngayon.
Ano po susundin ko?
LMP ko po is MAY 4-6 may nangyare samen ng boyfriend ko ng MAY 8 at pinutok nya sa loob. Sa pelvic ultrasound FEB. 11, 2020 edd ko tas nung nagpa BPS ultrasound ako JAN. 30, 2020 ang due date ko. Ano po kaya sa dalawa ang mas sure?
Pusod
Sabe nila pag labas daw pusod boy tas pag hindi girl. Yung saken di nakalabas 33w&1d nakadalawang ultrasound ako boy naman pareho. Pasagot po salamat.
32w&3d
Tama lang po ba ang laki? baby boy.
Ninang
Totoo po bang masama mag ninang sa binyag?