No assistance

Hi, mga moms! Okay lang ba or kakayanin ba ng mommy kung sya lang mag isa mag aalaga kay Baby pag kapanganak, I mean, ung wala katuwang or katulong. Though, I have a partner pero kase nag wo work sya kaya mas ako lang mag aalaga kay baby. You think makakayanan ko? Medyo worried lang ako kse FTM. ?

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yes. Kaya po yan. Just want to share mine.. 5 days after ko manganak iniwanan na ako ng nanay ko dahil sa mahalagang bagay. Kaya naman ako nlng ang mag isa, and since ang hubby ko ay prehas kming nagtuturo nung bumalik na ako sa work dun ko na hinarap lahat ng hamon, walang yaya, walang kasama sa bahay, dala2 sa work si baby, then d naman ganun kasipag si hubby madalas himbing tulog😏 ako lahat pero para s anak ko kayanin, ayun awa ng diyos nkaraos naman ako dun n wlang assisstance wla akong in-laws malayo rin sa nanay at tatay ko at nag aaral lahat ng kapatid ko. Ayun malaki na ang baby ko now, malusog at maganda. Kaya kaya nyo rin yan inay. 😊

Magbasa pa
VIP Member

Yes kaya po, FTM here na stuck kami ng hubby ko sa Batangas di na ako nakauwi ng province last year dahil nalaman ko na buntis ako and ayaw ako payagan mag travel kaya dito na rin ako nanganak. No family/ relatives. 5 months na si baby now. Need lang ng adjustment, first month ni baby umiiyak ako kasi nga ako lahat, pero nakaya ko po.

Magbasa pa

cs ako at kinaya ko naman kase malayo parents ko malayo parents nya tapos pandemic pa may work din ang asawa ko 7days ko lang sya nakasama kase yun lang ang leave nya sa work..nakaya naman tsagaan lang lage din naman tulog si baby kaya makakarest ka din..mag 9 months na baby ko ngayon nakasurvive naman ako kahit mag isa

Magbasa pa

Since I am CS po and yung mom ko po is busy with my brother's wife kasi she gave birth a month before me, yung mom in law ko po nag hehelp and mas nakakaginhawa po ako kasi po whenever i need to rest assured po ako na nde po papabayan ni mom in law baby kopo, she took care of her po until she was 16months old

Magbasa pa

yes mommy, ako noon 20 years old nanganak sa first baby ko. as in no idea pa ako paano magalaga ng baby. since wala dn akong kapatid at magisang anak lumaki. nakaya naman po, malayo ako sa parents ko pati nrin sa parents ng asawa ko. talagang sikap lang mommy kaya mo yan ❣️❣️❣️

kailangan talaga may magaalalay sayo malaking chance na mabinat, at tsaka kailangan mo pa bumawi ng lakas. pero kung wala talaga tiyaga tiyaga na lang sis. ako nung nanganak ako wala talaga tapos ang laki ng tahi ko halos di makaupo higa khit hakbang. plus emotional stress pa.

VIP Member

Ako po ksi CS kaya ndi kaya and i have 3yrs daughte kaya nagpaternity leave husband ko since nanganak ako pra maalalayan niya ako.thrn afyer that ako.pero if may mkksma kayong kamag anak mommy mas better po lalo na pagdating sa food mo po.

Kaya naman mag alaga ng baby pero sana may kasama ka para mag asikaso man lang sa bahay kasi baka mabinat ka kung ikaw din gagawa ng lahat. Pero pakatatag lang sis na kayanin mo po.

VIP Member

Disiplina kay daddy ang kailangan. Kaya nama kapag pumupunta kami sa pedia ng baby nmin, sinasama ko si hubby para marinig nya ang advice ni Doc. about sa paninigarilyo nya. 😂

yes basta para sa anak kahit pagod na pagod ka na kakayanin para sa anak..ako sa ngayon buntis sa pangatlo wala partner ko nasa malayo 2 years old pa bunso kinakaya ko..