Byenan Na Reklamador... Share Your Thoughts Please...

Ang byenan ko okay naman dati wala naman siya problema kaso ngayon natotoxic na ako sa kanya sa lahat ng bagay laging may masasabi side comments na puro nega as in. At ang pinaka ayaw ko ay yung kukunin niya si baby ko tapos sympre lalaruin aalagaan niya aba mamaya maya mallaman mo nlng sa kapatid niya nagrereklamo pagod na siya daw magalaga gago ba siya pinilit o inubliga ko ba siya. Naiinis lng ako di naman pala bukal sa loob niya magalaga kasi correct me if im wrong once na bukal sa puso mo gawin ang isang bagay ala kang irereklamo lalo na at apo mo yan kusa mo kinukuha tapos rereklareklamo ka... Nakakainis lng ayun... Correct me if im wrong again pero para sa akin kaplastikan ang ganun do you agree? Sa totoo lang kasi hubby ko ang nagbibigay ng budget sa kanila kasi nakaasa sila sa hubby ko. Haizt pero nagsabi naman na ako sa hubby ko toxic na ugali ng nanay niya which she agree kasi one time site ko lng isang example bumili kami ni hubby ng magnolia sa grocery aba pagdating nagagaling kesyo wala daw lasa ang manok abnormal ang putik... Toxic talaga lalo na at buntis na ako ayoko na dito sabi ko hubby ko magsarili na ako napakapakialamera ng nanay niya kasi dami kontra ang putik.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Haha! Feel ko ang pagkwwento mo mumsh, may expression, ewan bat may ganyang tao kahit hindi byenan, mukang papampam lang sya sa pamilya mo, naghahanap atensyon sa anak nya kaya ganun, wala ako masusuggest kundi deadmahin mo na lang ang matanda, kasi kahit ano gawin na kabaitan may masasabi at masasabi mga taong ganyan. Isipin mo na lang, hindi din gusto ng asawa mo na anak nya mismo ang ugali nya kaya pag inaway mo yung matanda, wala na sya kakampi, kawawa sya, wag mo na lang pakuha anak mo baka kamo mapagod ka lang magalaga (sarcastic way) haha!

Magbasa pa