Share Your Experience At Thoughts About Your MIL.

Ang Mil ko kasi mabait naman siya kaso kasi may ugali siya na pag sinabihan o nagsuggest ka lng mamasamain niya yung feeling niya maling mali na siya na parang wala ng solusyon sa pagkakamali niya kundi mamatay nalang OA kung baga. Ayun kaya kami ni hubby nagpaplano na magsariling bahay lalo na at magkakasecond baby na kami kasi parang hindi naman siguro tama na pangunahan ako sa desisyon ko bilang ina na ipagpatuloy ang pag bf gusto niya kasi ay formula milk na dahil 10 mos old na si baby #1 ko ayun... Kesyo yung nutrients para kay baby #2 ehhh icoconsume ni baby #1 nakakainis lng. Pilit niya nilayo sa akin buong isang araw anak ko para daw di na dumede kasi di na daw okay yung qulaity ng gatas ko ehhh naask ko na sa pedia at ob ko okay na okay ipagpatuloy ebf. Haizt... Dati di naman siya ganyan na nangigialam ngayon lng ayun pinangungunahan na niya pagiging ina ko buti nlng si hubby ko ay nauunawaan ako nung nakita niya yun siya agad nagdecide na lumayo na kami ang kaso siya ang nagbibigay budget per month sa magulang niya kasi nakaasa lng magulang niya sa kanya. Haizt

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mag isang anak lang ba si hubby mo mommy? Dapat lang talaga na bumukod na kayo, number 1 rule yan sa pag aasawa. Kase ayan, nakikita nyo na yung isa sa disadvantage ng di nakabukod. If solong anak lang si hubby mo, pwede sya magbigay tulong pa rin sa parents nya kahit wala na kayo sa kanila. Pero yung tulong na tama lang at galing sa extrang pera. Hindi yung uunahin nya magulang nya kaysa sa inyo ng mga anak mo. Saka pag lumaki na mga anak nyo, mas marami pa kayong dis advantage na mararanasan sa pagtira with in laws mo. Hanggang kaya nyo ng bumukod, gawin nyo na. Baka kase humantong pa sa samaan ng loob yung ganyang nangyayare sa inyo ng nanay ng asawa mo. Same tayo ng sitwasyon mommy. Pero kami hindi kasal, nagpaplano palang bumukod.

Magbasa pa
5y ago

Same tayo mommy, ayoko lumaki ang anak ko na makikita nyang environment is yung nakikita nya sa lola nya. Minsan kase may mga salita sila na nakaka offend pero para sa kanila ok lang. Pero satin as nanay, nakakapikon dahil tayo ang magulang e. At lagi silang nagkukumpara ng pag aalaga nila sa anak nila sa pag aalaga natin sa anak natin. Katwiran nila matanda na sila at mas alam nila yung pag aalaga, which is para sakin hindi ok. Kaya minsan nag aaway rin kami ng live in partner ko, kase nagsusumbong daw nanay nya sa kanya na nakasimangot daw ako at di kinikibo nanay nya. E kaysa naman kumibo ako at sagutin ko sya diba? 😅 hay naku mommy, kaya dapat iwas nalang tayo by living separately.