Nalito ako sa manugang. Ikaw yung manugang sis, byenan yung tawag sa parents ni hubby.
Anyways, dun naman sa pagkuha kuha ng byenan mo, tanong ko lang first apo ba siya? Siguro naeexcite lang ang lola. Alam mo naman, iba talaga ang dulot na happiness ng apo. Siguro for now, intindihin mo nalang po sila, kung kaya mo pa kung di na much better magusap muna kayo ng asawa mo, or kayong tatlo ng asawa mo at mama niya. Try niyo po isschedule yung pagkuha or pagaalaga ni baby. But sempre bilang ikaw nanay/magulang, dapat lamang schedule mo.
Usap kayo sis. Baka di nalang napapansin ng byenan mo na ganun na pala nararamdaman mo pagkinukuha nila si baby sayo. Siguro naman maiintindihan ka nila kung magsasabi ka, nagkaanak din naman sila. Alam din naman nila kung pano maexcite at yung kagustuhan na parating kasama o maalagaan yung sariling anak nila.
Sabihin mo lang ng maayos, may galang at respeto pa din po. Kahit ano pa man ang gawin nila or gusto nila, ikaw ang magulang ikaw ang dapat masunod at mas may karapatan na magdecide sa anak mo.
angel