Please give me advice tungkol sa aking baby at manugang

Ang asawa ko gusto niya lage pabantayan yung baby niya sa mama niya. Pero miski siya ang ama ayaw niyang bantayan baby namin. Yung mama naman niya gustong gusto kasi nga apo. pero kadalasan nakalimutan niya na may mama pa ang baby ko. Halos di na isusuli. Palagi niyang kinakarga baby ko pero kapag ako ang humawak sa baby ko gusto niya pahigain lamang. Ewan ko ba gusto niya masolo baby ko. Sana naman alam nang manugang ko kung saan lumugar. Gusto niya siya lahat gumawa sa baby ko. Tsaka gusto niya palagi lang nasa bahay nila baby ko. Ayaw nga niya ipadala sa mama ko na lola rin nang baby ko. Tawag niya sa baby ko sweetheart at langga ko minsan "anak". Pag kinakarga ko baby ko. kukunin niya agad. Pag gusto ko magpadede sa baby ko. pagkatapos ay kukunin niya agad.di man lang hihintayin ako kusa magbigay. Tapos magagalit kapag may pamahiin na hindi masunod sa aking anak. Minsan ay gusto pa niya ako umalis para masolo baby ko. Tsaka palagi siya magsasabi sa akin na isasama niya pagtulog baby ko. Pinapahiram ko naman baby ko sa kanila pagdating niya galing trabaho mga 8 pm to 10 pm. Galit na galit asawa ko pag ipapakuha kona sa kanayang mama kasi nga namimiss ko rin anak ko.Tsaka palagi nilang nilalaro kahit mag alas 12 am. Kasi pqg ako nagbanbantay sa anak ko sinisugrado ko tulog na nang 10 pm o 11 pm para makagising nang maaga at kumain at tsaka mataas ang kanyang tulog. Kasi nga nung 1 month palang siya sinanay na siya nang aking manugang na kargahin palagi sa pagtulog tsaka sinasayaw palagi. Kaya nagkahika ang anak ko nahawa sa kanya kasi nga gusto niya daw kargahin kasi para dawng hinahug yung anak ko. Kaso ayaw ko na sinasanay nang ganon kasi nga nagbreastfeed ako non. Di na ako lubos nakapapahinga kasi palagi gusto nang baby ko kargahin. Kahit na gaano man gusto nang lola niya bantayan siya. Mas lalo na ako nasiyang ina nag luwal at nagbigay buhay sa aming baby. Please give me advice on what to do.

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dun na lang kayo ng anak mo sa relatives mo tumira

6y ago

sis baka naman pwedeng dun na lang muna kayo sa parents mo mag stay. ikaw ang ina, ikaw parin ang masusunod

nakakagigil naman yang hubby mo, mama's boy

6y ago

yes sis ngayon 2 days lang kami sa kanila. pero pag na sa kanilang bahay na kami. nakaabang na sa gate mga manugang ko ipapasok na sa kanilang kwarto. Tapos papadalhan nalang nang kanyang feeding bottles tsaka gatas. Asawa ko naman sasabihin ipahiram mo muna kay mama ang baby natin.Okay lang sa akin kahit dalawang oras lamang. Kasi may gagawin din akong mga gawain sa bahay pero pagkatapos gusto ko naman bantayan anak ko. takot ako paminsan kasi nga pag masanay baby ko baka ayaw na lumapit sa akin. Pag iiyak na ako magagalit asawa ko kasi daw maramot daw ko. Eh apat na oras na di parin isinusuli anak ko.

ikaw ang nanay ikaw dapat masunod!

wag ka magpaunder sa kanila