So greatful to have a supportive mom! ❤

Aminado kame mag-asawa na wala talaga kaming sapat na ipon for my pregnancy due to pandemic. On call lang kase lagi sya sa trabaho at napaka bihira lang din nya tawagan. Nagkakasabay sabay pa lahat ng bills at may motor pa na kailangang hulugan (service ni hubby papuntang work) Kahit anak ako ni mama, hindi parin mawala sakin yung hiya pag manghihiram ako sa kanya ng pera. At dahil kabuwanan ko na next month kailangan makompleto ko na lahat and I don't know how to tell her na wala pang kagamit gamit si baby. Kanina lang, nagulat ako nung biglang inabot ni mama yung mga essentials na kakailanganin namin mag-ina, since wala naman akong sinasabi sa kanya. Nangingilid nalang talaga luha ko. Nagbabalak palang kase kame mag-asawa na magsabi kay mama ko na manghihiram ng pera, and surprisingly binili na pala nya lahat. (hindi kame makaasa sa biyanan ko ngayon, kase walang wala din sila, nanghingi din naman sila ng pasensya.) Napaka terror ni mama, as in super. Kaya lahat kame magkakapatid takot sa kanya. Pero ngayon na magkakaapo na sya, halos lahat sya ang nag provide. Wala syang sinasabi na utang namin un. Pero bilang respeto dahil nag asawa na nga kame kailangan parin namin bayaran dahil hindi na dapat kame naasa sa kanila. Si mama din pala nagbayad ng philhealth ko na almost 4k. Bumili din sila ng lupa malapit dito sa kanila, para pagtayuan daw ng bahay namen next year. Ayaw din kase na malayo sa apo, first apo kase nila. Napaka blessed ko to have my mom. ❤ Sana mabilis ko lang naiprocess ang sss maternity benefits ko, para makabayad agad ako kay mama. #1stimemom spread the love.

So greatful to have a supportive mom! ❤
41 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pareho tayo sis,, ung kita ng asawa ko panggamot ko lang at pangpacheck up sa ob, may pre eclampsia kc ako... Lahat ng gamit ng baby ko mother ko ang bumili, 28 weeks plang pero kumpleto na gamit ni baby ngaun.. masarap talaga ang may nanay na mabunganga pero mapagmahal 😁😁

4y ago

oo momsh, mabungabunga lang talaga sila pero iba parin mag provide pag alam nilang hindi na kaya at kailangang kailangan na talaga