So greatful to have a supportive mom! ❤

Aminado kame mag-asawa na wala talaga kaming sapat na ipon for my pregnancy due to pandemic. On call lang kase lagi sya sa trabaho at napaka bihira lang din nya tawagan. Nagkakasabay sabay pa lahat ng bills at may motor pa na kailangang hulugan (service ni hubby papuntang work) Kahit anak ako ni mama, hindi parin mawala sakin yung hiya pag manghihiram ako sa kanya ng pera. At dahil kabuwanan ko na next month kailangan makompleto ko na lahat and I don't know how to tell her na wala pang kagamit gamit si baby. Kanina lang, nagulat ako nung biglang inabot ni mama yung mga essentials na kakailanganin namin mag-ina, since wala naman akong sinasabi sa kanya. Nangingilid nalang talaga luha ko. Nagbabalak palang kase kame mag-asawa na magsabi kay mama ko na manghihiram ng pera, and surprisingly binili na pala nya lahat. (hindi kame makaasa sa biyanan ko ngayon, kase walang wala din sila, nanghingi din naman sila ng pasensya.) Napaka terror ni mama, as in super. Kaya lahat kame magkakapatid takot sa kanya. Pero ngayon na magkakaapo na sya, halos lahat sya ang nag provide. Wala syang sinasabi na utang namin un. Pero bilang respeto dahil nag asawa na nga kame kailangan parin namin bayaran dahil hindi na dapat kame naasa sa kanila. Si mama din pala nagbayad ng philhealth ko na almost 4k. Bumili din sila ng lupa malapit dito sa kanila, para pagtayuan daw ng bahay namen next year. Ayaw din kase na malayo sa apo, first apo kase nila. Napaka blessed ko to have my mom. ❤ Sana mabilis ko lang naiprocess ang sss maternity benefits ko, para makabayad agad ako kay mama. #1stimemom spread the love.

So greatful to have a supportive mom! ❤
41 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

ang suerte mo nmn po sa mama po, khit gnun siya malambot ang puso niya at ang diyos na laging gumagabay sa atin

4y ago

triple ang balik sa mga taong hindi madamot momsh

VIP Member

Ganyan din mama ko terror..grabe magalit un..pero d sya madamot..once na meron cia nagbibigay talaga cia..

4y ago

nakaka teary eyes talaga ❤

VIP Member

Godbless your mom sis. Mabaet talaga mga nanay, malambot sila lalo pag dating na sa apo ❤

4y ago

legit momsh, si mama lahat nagprovide ng pangangailangan ng baby ko.

VIP Member

Sana ol. Wala kasing paki nanay ko sakin, ni mangamusta wala. mas supportive pa yung lola ko

VIP Member

same mommy, mama ko laki ng natulong saamin sobra nagpapasalamat ako may nanay akong mabait

Same tayo mommy..super blessed din ako sa nanay ko.super supportive nya sakin..

VIP Member

mapa sana all nlng me,sa amin kami ang tumulong kahit wala natira sa sahud ni mister

VIP Member

So lucky and blessed to have mom like you momshie. ❤️❤️❤️

VIP Member

ahh thats so nice. More blessings to your mom. Stay safe.

Excited na si mommy lola sa apo nya. So sweet! 🥰