mabigat na sa puso

Alam ko naman na kailangan talaga namin panagutan ang baby namin. Oo responsibilidad naman namin yun. Nung nalaman namin may gastroschisis ang baby namin biglang gumuho nalang ang mundo namin, naka open yung pusod nya at nasa labas ang intestines nya, nakita na yun sa ultrasound nung 18weeks palang si baby. Wala naman akong ginawang mali sa pagbubuntis ko pero bakit? Explain ng doctor sa pag develop lang daw at 1 out of 5000 pregnancies lang nangyayari. So ayun. Ginawa namin lahat ng advise ng doctors. Lumabas na si baby nga June 17, 36weeks and 4days lang sya, tapos na cs pa ako, after 3hours i operahan agad sya and thank God nakayanan naman nya at okay na sya ngayon. Nasa nicu pa rin sya hanggang ngayon nagpapagaling. Hindi na kami maka cope up sa laki ng bill, tinutulungan naman kami ng parents namin pero hindi talaga kaya. May kapatid naman si Mama na kapitan ng barko pero parang wala lang eh, alam naman namin na hindi nya kami obligasyon pero parang wala naman syang pakealam. Mabuti pa sa ibang tao ang lakas nyang tumulong. Mahirap lng kami at alam nya yun. Parang nakaka sakit lng sa part namin. Yung asawa kasi nya eh, ang lakas mang brainwash, yun, andun sa boracay kahit alam nyang naghihirap kami sa bayarin sa hospital, masakit sa part ko, lalo na kay Mama, parang feeling nya betrayed sya ng kapatid nya halos pangumusta o offer man lang kahit "ano uutang kayo para pang hospital?" Man lang, pero wala. Parang walang nangyari eh. Pero salamat at di kami pinapa bayaan ng Diyos. Alam kong hindi nya kami papabayaan. Matatapos din ang laban na to.. Pera lang naman yan eh, mas importante pa rin ang baby namin. Kaya namin to ng partner ko, sa tulong ng parents namin. Hindi kami pababayaan ng Diyos. Sorry mommies ngpapalabas lng ako ng sama ng loob. Dito ko lng mpapalabas eh. Ang bigat bigat na kasi.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles