need someone to talk to

ako po yung nagpopost nung nakaraan about sa lockdown na hindi na pinapakitaan ng maganda ng asawa nya. ngayon lang nag away kami at sobra sobrang sama ng loob ko. pinipilit na kasi nya na umuwi kami sa kanila (btw nakabukod kami pero itong tinitirhan namin bahay din ng nanay nya), kasi nga ayaw na nyang gumastos at galawin yung pera na meron kami kasi nakalaan yun sa bday ng anak namin. nahihirapan na raw sya sa araw araw na gantong buhay namin. e ako alam naman nyang ayoko talaga dun sa kanila dahil may mga ugali ang byenan ko. isa pa sila ang nagdedesisyon sa amin. sabi pa nya di ko raw iniisip yung anak namin. hinahayaan ko lang sya pagsalitaan ako ng di magaganda. pinaka masakit sakin yung sinabi nya na wala akong kwenta, at bobo raw ako hindi nagiisip. sarili ko lang daw iniisip ko at hindi ko raw sya maintindihan. kala ko raw pinupulot lang ang pera. palit daw kami ako raw mag trabaho at sya ang mag stay sa bahay. may saloobin/side ako jan pwedeng pwede ko ikwento sa inyo basta sana wag kayo mag judge. sobrang sakit lang sakin kasi asa bahay lang ako nagaalaga ng anak namin. ang akin lang ganto na ang buhay mag asawa diba, kahit mahirap, kinakaya naman. nagkataon lang talaga may pangyayari dito sa pinas i mean lahat naman tayo apektado nito. ano yun gusto nya uuwi kami sa kabila tas nakaasa kami sa magulang nya kaya yung mga magulang nya ganun na lang mangealam samin? ano yun?? para ke pa may sarili na syang pamilya?? pasensya na kayo, pero kasi di nyo kilala mga byenan ko. sobra akong nakikisama sa kanila pero me mga ugali talaga sila. ako yung tipo ng babae na tahimik lang di ako sumasagot sa asawa ko dahil tingin nya sya lagi ang tama. sinabi ko naman sa kanya na ipagpaliban na lang yung bday ng anak namin. ang dami kong issue pasensya na talaga, pero para sakin kasi hindi ko na kaya na ganto. pano pag tumagal pa kami asa iisang bahay lang kami di ko nakikita yung sarili ko na ganto. dami dami nyang pinamukha at sinumbat sakin na sya ang nagpapakain at bumubuhay sakin basta marami pa. sabi pa nya magkanya kanya na lang daw muna kami. kaya nga napapaisip ako ganun na gagawin ko nung nakaraan ko pa naiisip yan dahil sa mga pinaparamdam nya sakin. nakakapagod lang mga sis di ko lang ineexpect na ganito. ang lakas ng loob nya na sabihin na sarili ko lang daw iniisip ko at hindi raw ako nakikisama. talaga ba ako pa ngayon?? pagkatapos ng lahat ng sakripisyo ko, pagtitiis ko.. alam ko na sa sarili ko kung ano yun. let’s just see.. ako lahat lahat ginagawa ko para sa kanya tas gaganitohin nya lang din ako. sana intindihin nyo ako kahit ganito feel free to advice salamat

11 Replies

VIP Member

I feel you sis. Mahirap nga makisama sa mga inlaws. Sa ngayon nakatira kami ni hubby ko sa parents niya . Baliktad naman tayo sagot namin lahat ni hubby dito sa bahay .lahat ng bills nga stock na pagkain . Gusto namin bumukod na kasi lockdown nga and kulang budget namin sa pagpagawa ng bahay dahil nga manganganak nadin ako . Mahirap makisama kasi kailangan lahat ng sabihin nila gagawin mo .ni hindi ka makakilos ng maayos. Hindi ka pwede magsungit or mairita sa kanila kasi lalabas na ikaw ang masama pag nagkataon . Siguro po ipaintindi mo nalang sa partner mo na kailangan niyong maging independent since my anak na kayo and nag asawa na kasi hubby mo dapat di na siya dumepende sa nanay niya. Mag usap kayo ng masinsinan mahirap kasi yan e. Iniisip niya bday ng anak mo pero di ka niya inisip. Dapat isa lang maging desisyon niyong dalawa . Pero ara sakin tama desisyon mona wag nang bumalik sa byenan mo.

Salamat sis kahit pano makabasa ako ng ganito nakakagaan sa pakiramdam. nakakapagod lang din kasi na ipaintindi ko kung anong side ko kung ano ano lang talaga masasabi nya sa akin pagsasalitaan lang ako ng masasakit at sisigaw sigawan ako. yun lang ang kanya iniisip nya yung gastusin namin dito sa araw araw at yung bday ng anak namin kaya nya gusto umuwi kami sa kanila e para makalibre kami. para sakin di naman ata tama yon at lalong di tama yung gaganitohin nya ako. sobrang sama talaga ng loob ko sis

hi maamsh, una sa lahat po keep calm, malamang po parehas kayong streesed s pangyayari po ngayon. matindi rin po ang stress ng mga tatay kasi gusto po nila tayong protektahan sa abot ng makakaya nila siguro po yun ang nakikita nya na solusyon para maprotektahan ka at iyong anak. kami po ni hubby dapat pabinyagan si baby sa month of may kaso po ayun nauubos na po yung ipon namin dahil sa lockdown, nakakastress din po na may kasama kang ibang oamilya sa bahay kasi po masmagastos... kasi magshashare ka din po. pag usapan nyo po ulit ni hubby ng hindi kau mag aaway kung ano ang magandang dulot ng pag uwi nyo sa mother side nya. sa amin po tinanggap na lang namin katotoohanan na magastos talaga may kasamang extended family sa hauz. iniisip na lang po namin yung safety namin at tiis tiis na muna

Bilib din ako sayo isang literal na sana all

Sad story sis.. for now tiisin mo muna kc po mas delikado sayo at sa anak mo na aalis kayo ng bahay, cge hayaan mo xa ngaun pero pag naging ok na sitwasyon ipakita mo sa knya na kaya mo rin. Kung nd mo na kaya makisama sa ganyan tao go umuwi ka sa inyo ipaalaga mo sa magulang mo or kapatid mo anak mo mgwork ka. Hindi pwedeng ganyan asal nya sayo inasawa at inanakan ka nya so responsibilidad ka na nya at nd ka nya dapat pinag sasalitaan ng masama. Kaya satin mga momshie maging aral po satin to mas maganda tlga pag may work tayo or may sarili tayong pinag kakakitaan kc pag dumating ung time na ganito nd ka pwedeng ismolin ng asawa/partners nyo. Godbless everyone!🙏😊

salamat po talaga mamsh God bless po

Mahirap ung sitwasyin mo mamsh s ngyon tiis k muna ulit at pag nging ok n ang sitwasyon at maliktin k prin ng asawa mo mgsalita kna s knya d pdeng maliitin k nya purkit nsa bahy ka lng. Che mghanap k ng work mas ok kung my work k dn tas maghanap xa mg aalga s bata ng malaman nya. Dpt my srili tlga tayong kita kc my mga asawa na purkit cla gmgstos s bahy akala mo cla ang my krapatn mgsumbat sumbat s laht .at pagdting s byanan nku mhirap pg d tlga ok s mga inlaws kya dpt nkbukod.

Salamat po sa advice Godbless

kaya mahirap pag ang babae walang sariling income..may mga ganyang asawa. kaya try not to be dependent sa asawa mo. kahit nasa bahay ka lang mag isip at maghanap ka ng pagkakakitaan. sari sari store, online selling or work from home. pag dumating sa point na pagod na pagod ka na kay among mamuhay ng wala ang asawa mo dahil may sarili kang kita at hindi ka nakaasa sakanya.

Thankyou po Godbless po

i feel u mamsh, ganyan na ganyan den kami ng kinakasama ko, ayoko talaga makituloy sa side nila kumpara sa side ko kase kelangan mo talaga makisama kahit di mo naman kaya. tsaka ikaw lang ang nag iisa don wala kang magiging kakampi, kaya mas okay ng parehas kayo may work kung pera lagi ang pinag aawayan nyo

Thankyou po sa advice God bless

Hays... Kaya ako ma's gusto ko mag work atleast my sarili pera ako khit sabihin sken ng partner ko mag resign n pero Di ko gagawin kc yaw ko dumating sa point nasusumbatan nya ako... Mahirap n kc wlang sarili pera hehehe maghahanp nlng ako nang mag aalaga kay baby...

Salamat po Godbless

ung word na "palit kau sya sa bahay ikaw magtrabho" dpt sinagot moa cge ikaw dito sa bahay magalaga ng mga bata maglinis at magluto ng matikman nia kung gaano kahirap maging housewife

Thankyou po sa advice God bless po

nakaka depressed lang po sana matulungan nyo ako. gusto ko na umalis dito kasama ang anak ko at umuwi samin, kaso bwisit na lockdown to.

Feel you po.. Pero para sa anak tiis tiis. Kakayanin lahat lahat, labas na lang sa magkabilang tenga mga masasakit na salita.

Thankyou po Godbless

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles