parenting101

ako lang ba? yung sobrang nakokonsensya kapag napapalo yung anak???

46 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

syempre lahat naman naguiguilty kapag nasasaktan natin sila. Pwede naman natin silang suyuin after, at ipaliwanag kung bakit sila napalo. Kase kung aangilan lang natin at papaluin. Baka lumayo ang loob saten. Parang ako nung ata ako, hate a hate ko nanay ko non, beast mode kase lage at pinagpepray ko non na sana apg gising ko iba na nanay ko, yung ibang magulang na lang sana ako napunta. Syempre bata pa ko non di ko miintindihan. Kaya ngayon, kung mapaapgalitan or mapapalo ko man yung anak ko, ipapaliwanag ko sa kanila at kakausapin ng maayos. Ayokong magtanim sila ng galit saken tulad ko nung bata pa ako.

Magbasa pa