parant lang mga momsh

ako lang ba yung merong kapitbahay/kamag anak na sobrang pakialamera? i'm a first time mom. syempre may mga hindi pa ko alam and kapag hindi ko alam yung isang bagay, nag ssearch ako or nagtatanong ako sa mga may experience na. mahilig akong magsearch especially if tungkol kay baby. pero etong kamag anak ko na to nakakabwisit yung pagiging pakialamera niya. i get it na concern siya sa anak ko pero it irritates me. alam mo yon, konting kibot sasabihin "uy dapat ganto. uy dapat ganyan" edi sayo na anak ko. ikaw mag alaga. nakakainis kasi eh. as a mom, alam ko ang tama sa mali. alam ko naman yung ginagawa ko. kung merong masakit sa anak ko, alam ko yon. 5 months palang baby ko pero pinipilit niya na kong pakainin at painumin ng tubig. eh ayoko pa nga. syempre iba iba naman tayo diba. merong ibang nanay na 4 months palang anak nila pinapatry na nila ng solid foods pero ako i wanted to wait until she's 6 months. wala namang masama don diba? kasi 6 months naman dapat pakainin and dapat ready din si baby. nakakainis lang na everytime pupunta siya dito sasabihin niya sakin yung ganon. minsan naman sa suot ng anak ko pinupuna niya. bakit daw ganon suot eh ang init init. eh malamig nga dito kapag gabi. di niya naman kasi nagegets eh. nakakabadtrip sobra. di na lang siya mag anak ulit eh di yung anak ko yung pinapakialamanan niya 🙄

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

May mga ganun talaga mamsh, tawanan na lang natin sila kasi wala naman silang alam, kesa pakastress pa tayo 😁

Hay nako, ayoko kausapin pag ganyan. Your baby, your rules kamo. Wala siyang ambag.