Food 5 months old

Hello mga mamsh. 5 months old po yung anak ko. May teeth na siya kaya itong byenan ko excited pakainin yung baby ko. Una niyang sinubo yung pizza sinabihan ko siya na wag niya subuan muna kasi gusto ko first food ng baby ko is fruits and veggies. Sagot niya sakin di pa naman daw makakagat dinidikit niya lang sa bibig. Pinalagpas ko yun, tapos kahapon sinubuan na naman ng camote cue. Medyo nainis lang ako kasi ayoko nga ipatikim muna sa baby ko yung mga ganung foods. Naiirita ako kasi kung ano yung kinakain niya sinusubo niya sa bibig ng anak ko. Eh 5 months palang to. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko pag nakita ko ulit na sinubuan tong baby ko.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Solid foods tlga pinapakain, kaloka ang liit2 pa ng lagusan ng pagkain nila baka mabulunan. Sabihan mo ng paulit ulit