My baby, my rules

Ako lang ba pag kinukuha bigla sakin si baby medyo naiinis ako, tapos etong ate ng asawa ko kung makahiram sa baby ko parang wala ng balak ibalik sakin pinagbibigyan ko naman kaso nakakainis lang kase meron one time sinabi nya, dun daw matulog si baby sa kwarto nila tabi daw sila, ang ginawa ko naman hindi ko hinayaan dun natulog si baby sa kwarto nila, nakakainis lang kung angkinin nya baby ko parang anak nya, may sarili naman syang anak naiintindihan ko naman kase pinapakita lang nya ang love nya sa pamangkin nya pero wag naman to the point parang gusto na nyang angkinin sana isipin din nya ang magiging feelings ko, tapos meron pa one time gusto nya sya magpaligo sa baby ko without asking my permission kung ok lang ba sakin, dun nya sinabi sa mama nya which is yung mother inlaw ko tapos etong byenan ko din bigla lang kukunin sakin si baby .. nakakainis lang kase di man lang nila nirespect yung feelings ko .. kaya gusto ko ng bumukod kase parang hindi ko naeenjoy yung motherhood journey ko sa baby ko kase lage sila nag-iinterfere samin ng baby ko. gusto ko lang ishare yung saloobin ko, naiiyak ako na ewan. 4months na rin yung baby ko. #advicepls # #firstbaby #1stimemom #theasianparentph

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

For me mommy valid Yang nararamdaman mo..may ganyan ding nangyari sakin.na magigising na Lang ako wala na baby ko sa tabi ko..kinuha na Pala ng ate ko Kasi wala syang baby na Babae Okey Naman po sakin Pero Kung palagi na at ung to the point na matutulog ako na Hindi ko katabi baby ko naku big no na Yan sakin ... paano ako matututo maging nanay Kung ganun .pangit din Kasi ung ganun mamaya mas masanay ung bata sa iba Hindi sayo na nanay .Hindi pagiging Maarte un lalo na first time mong maging isang nanay. nakakaloka ung isang comment dito na ang Arte mo daw mommy...😅

Magbasa pa