My baby, my rules

Ako lang ba pag kinukuha bigla sakin si baby medyo naiinis ako, tapos etong ate ng asawa ko kung makahiram sa baby ko parang wala ng balak ibalik sakin pinagbibigyan ko naman kaso nakakainis lang kase meron one time sinabi nya, dun daw matulog si baby sa kwarto nila tabi daw sila, ang ginawa ko naman hindi ko hinayaan dun natulog si baby sa kwarto nila, nakakainis lang kung angkinin nya baby ko parang anak nya, may sarili naman syang anak naiintindihan ko naman kase pinapakita lang nya ang love nya sa pamangkin nya pero wag naman to the point parang gusto na nyang angkinin sana isipin din nya ang magiging feelings ko, tapos meron pa one time gusto nya sya magpaligo sa baby ko without asking my permission kung ok lang ba sakin, dun nya sinabi sa mama nya which is yung mother inlaw ko tapos etong byenan ko din bigla lang kukunin sakin si baby .. nakakainis lang kase di man lang nila nirespect yung feelings ko .. kaya gusto ko ng bumukod kase parang hindi ko naeenjoy yung motherhood journey ko sa baby ko kase lage sila nag-iinterfere samin ng baby ko. gusto ko lang ishare yung saloobin ko, naiiyak ako na ewan. 4months na rin yung baby ko. #advicepls # #firstbaby #1stimemom #theasianparentph

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

mhie okay lang mag labas ng sama ng loob, kung ako nasa situation mo na wala man pang paalam bigla kukunin o papaliguan, syempre nakakairita talaga un, ikaw ang nanay eh. Kaya lang since hindi pa nga kau nakabukod hanggang paglabas lang muna ng sama ng loob ang pwde mong gawin sa ngayon. Okay ba ang pakitungo din nila sayo personally? kasi feeling ko kung okay na okay ang treatment nila sayo, hindi mo ganyan ang mararamdaman mo. baka may unfair treatment din sila sayu eversince kaya parang off sayu ung mga actions nila kay baby mo.

Magbasa pa

Hala ako lang ba? na parang ang sarap sa feeling ng ganyan? yung may pake sila sa anak mo? As lomg as hndi naman nasasaktan anak mo ok lang naman sguro yun? Sguro ksi close kmi ng mga inlaws ko kaya na aappreciate ko mga gnyan nila sa anak ko. Kasi alam mo yun? di lang anak mo naalagaan pati narin ikaw? Pero kung ayaw nyo nga naman po napapakelaman ung pgging magulang nyo e the best po tlagang bukod nalang kayo kesa magka samaan pa po kayo ng loob :)

Magbasa pa
2y ago

Sguro nga ikaw lang po talaga yung okay lang na di mo hawak si baby at laging nasa ibang kamay. Realtalk. Sguro mas okay sayo na iba mag aalaga kesa mismo sa sarili mo, sguro mas okay sayo na di mo makatabi sa pagtulog. Sguro mas okay sayo sitting pretty ka lang at yung anak mo nasa ibang tao, ibang tao nag aalaga kahit wala ka namang kapansanan at kaya mo naman alagaan. Ikaw nga lang talaga te. Kasi ibang mommy dito mas gusto nila sila mismo may control sa anak nila kahit ako ayoko ng nasa ibang tao yung anak ko close man o hindi. Insensitive mo te. Gusto mo ata yung hayahay na buhay kawawa naman anak mo. Mas close mo pa ata yung inlaws mo kesa sa anak mo the way you talk. Lahat po may limitation lahat my boundaries kaya dapat hanggang don lang.

VIP Member

Naranasan ko rin na gusto hiramin si baby ko at itabi matulog ng lola niya (5mos old palang si baby nun) hindi ako pumayag dahil bf si baby at mas nakakatulog siya sa tabi ko. Kahit gusto nilang hiramin ng isang gabi lang is hindi ako pumapayag kasi hindi pa ako ready mapalayo sakin anak ko. Hindi ko pa kayang matulog na wala siya sa tabi ko, kailangan pa ng baby ko ang nipples ko kaya saka nalang kapag bumitaw na siya sakin at ready na ako ipahiram kahit isang gabi (1yr old na si baby ko btw)

Magbasa pa

super relate mamsh :) may nabasa ako parte yan ng pagbobond natin kay baby, kasama sa instinct ng nanay maging protective and possesive hehe. for me masyado pang bata si baby mo para hiram hiramin at matulog kasama ng iba. ikaw po kasi primary care giver nya kya dapat ikaw ang kasama nya lagi matulog :)) korek mamsh ikaw dapat may call sa lahat ng gagawin kay baby pero iexplain mo nalang po ng maayos at mahinahon sa inlaws mo :D sana maintindihan nila :)

Magbasa pa
2y ago

Trueee! Or kausapin mo po si hubby about jan sa naffeel mo and hehelp ka nya na maintindihan ng inlaws mo ☺️ kasi if ako yung nasa kalagayan mo, ganyang ganyan din mararamdaman ko. At pinapaalam ko lagi sa hubby ko un di pa nalabas si baby namin haha. Its not being maarte, pero anak mo yan so ikaw masusunod at need nila irespeto un.

i feel u po, tapos makapagsalita sila akala mo sila ang nagluwal sa anak mo, yung ikaw magdamag kasama ng anak mo pero sila kilalang kilala nila, nakaka inis yung ganun, di nila iniisip nararamdaman mo, tapos sasabihin pa nila pinagdadamot mo anak mo sakanila dahil hindi kayo lumalabas ng kwarto, haaay ngayon di aq kinakausap ng hipag q, ayos lang, basta alam q wala aqng gnagawa at sinabi na di maganda sakanya, wag lang talaga nyang pakiki alaman ang magiging pagpapa laki q sa anak q

Magbasa pa

siguro para skin .. okay lang na laruin nila sa umaga atleast mkakakilos ako ng gawaing bahay sa araw araw at maasikaso ko rin ang sarili ko kahit papano may katuwang narin hirap kaya pag wala ka mapagiwanan ng anak mo kung sakaling meron kang gagawin or pupuntahan .. and sa point naman na patutulugin nila sa tàbi nila is NO .. hindi ako papayag hehe gusto ko ako lang mkakatabi ng Baby ko at ang tatay ng Baby Ko .. and thats all hehe opinyon ko lang po yan ' salamat

Magbasa pa
VIP Member

Okay naman sana na hinihiram nila baby mo but yung point na aagawin is hindi naman ata tama. Siguro rin tuwang tuwa sila sa baby mo kasi malalaki na ata ang anak niya. And tama lang na hindi niyo hahayaan matulog si baby na hindi kayo ang katabi kasi ikaw ang nanay at mas kailangan ka ni baby at her age. Yung sa pag papaligo, I don't understand bakit sa byenan mo magpapaalam eh ikaw ang nanay ng bata?

Magbasa pa

i think normal po yan, ganyan dn ako sa 1st baby ko, di ako mapakali pag kinakarga sya ng iba ayoko mawala sa paningin ko lagi ako nag aalala hehe although nkktuwa dn na may ganyan mag care at natutuwa sa babies natin, pro cguro nature dn tlga ntn mommies na clingy sa baby natin, mag set ka nlng ng boundaries kung hanggang san lng pag aalaga na pde nla gawin kay baby, communication is the key

Magbasa pa

Hirap talaga ng nasa in laws ka momsh ngayon palang ranas ko na yan sa pangalan palang ng baby ko pinapalitan nila yung pangalan na gusto namin ng asawa ko dahil panget daw at pangmatanda kahit hindi nmn kaya mahirap lalo na pag nanganak ako feeling ko di ako makakapagdesisyon ng para sa anak ko kaya pinipilit ko yung asawa ko na kila mama nalang tumira o bumukod kame pagkapanganak ko.

Magbasa pa

ganyan din ako sa unang baby ko, ang daming umaagaw sakin pag umiiyak, kaya hindi na ko nakapag direct na breastfeed, kasi nalito na ang bata kung sino nanay niya. kaya lesson learned sa 2nd baby ko hindi na muna siguro i aannounce pag nanganak na. Or kausapin at humingi muna ng privacy at least 1 month before tumanggap ng visitors.

Magbasa pa