30 Replies
Yes, totoo naman as parents tayo ang magdedecide ng name for ur child. Pero wag ka po maoffend ah. Kahit po sino ay magrereklamo kung long name with a rare spelling pa po (kung ganon ang case ng name ng baby mo), saka di lang naman kasi ikaw ang nagpapachkup sa ctr or hospital. Kasi sis, long names doesn't define a child's intelligence. Be considerate na lang din, kasi nirerecord nila yan. In any case, kapag nagpafile, baka mahirapan sila hanapin ang file ng baby mo. Same with govt offices, like PSA. Lalo na birth cert ni baby, mahirap at mahal magpa ayos ng papers. At baka ikaw din mahirapan kapag tinuruan mo ng magsulat ng pangalan ang anak mo. Hindi lahat ng bata can accept challenges sa pagsusulat lang ng pangalan. Again, wag kang maooffend.
wala naman masama don. iba iba nga po tayo ng trip sa buhay hehe.. pero ako ayoko ng mahaba. gusto ko pa nga sana 3 letters lang hehe kaso wala ako maisip na ok ok na 3 letters lang.. so nangyari my eldest name is BRYON then itong ipapanganak ko sa february is BRIELLE. parehas boy ☺ Pero in reality, totoo naman po talaga mahirap para sa bata ang masyadong mahaba ang name.. Lalo na sa pagkuha ng mga government documents.. Tapos pag nagkamali pa yan ng encode patay lalo kayo.. Mahal pa man dn at mdmeng proseso pagpapatama ng pangalan sa government agencies
Nacurious ako sa name ng baby mo. Mahirap sa application at mga exam pag mahaba name laging di kasya sa mga box tapos napakatagal magshade pati per letter, kakain ng time. Kaya ako one name lang sa baby ko. One name lang kami both ng husband ko. Madami na ko tinake na exams, entrance exam, board exam, qualifying exam etc always ganun ang siste.
Nagwowork ako sa isang Travel Account and sa totoo lang nakakainis na may tumatawag just to correct their name na sobrang haba. Tapos sila pa galit kapag hnd pinayagan ng airlines. Kung Indians ka understandable kasi gnun tlaga sknila long names. Pero kapag OA na kawawa din ang bata. But its your decision naman as a parent.
Sakin nman sa side ng tatay ng anak ko daming sinasabi.. 3 kc name ng anak ko.. Hayaan mo lang sila, ikaw pdn ang msusunod.. Ngayon po grade 1 na sya and wala nman sya problema sa pagsusulat ng name.. Minsan nga lng kulang ung name na naisusulat nia nung kinder sya which is normal kc ganun din nman ung iba na mas maiksi ung name..
same sa baby ko... last week pinaVaccine ko siya sa Brgy Health Center ☺️ kulang nlng pagalitan ako ng isang volunter dun habang sinusulat nya name ng baby ko😅 papahirapan ko daw yung anak ko magsulat ng name in the future😁 keber ko sa kanila😏 hahah name ni baby is KRIZ HYACYNTH MIKAELA😍
Ako nga na almost 24 years na nagsusulat sa name ko na kihabahaba haha natatagalan ako sa mga pagfil out ng mga papers dahil sa name ko pero okay lang sila mama naman kase nag decide nun. At gusto ko rin mahaba ang name ng baby ko para mabilis magsulat haha
Wag mo ng gawing reason na para maging matalino kaya nyo ginawang mahaba name ng baby nyo. Gusto nyo lang talaga na kakaiba which is okay lang naman, choice nyo yan bilang parents, pero never na iconnect sa haba ng name ang pagiging matalino.
Baka nahirapan silang isulat ang name. Nahahabaan. Then wala namng connect ang mahabang pangalan sa pagiging matalino. Yung 2nd child ko mahaba rin ang name. Nung nag aaral na ang panganay ko. Saka ko naisip na sana maikli nalang🤣😂
I got 9 kids, all of them tag 3 names. They do not struggle nor have issues in writing them. And as a parent just make sure lang hindi rin ma mispell yung names nila ng ibang tao and I also train my sweethearts to do the same.
Anonymous