about long name
Ako lang ba inis ? Sa mga center at hospital na daming reklamo sa interview nila? Kasi nirereklamo nila ang name ng anak ko na sobrang haba?? eh kami ang magulang kaya kami ang mag dedecide kung anong want namin na name sa anak namin! Dami nilang kuda! Para samin pag dating ng panahon pag nagsimula ng mag aral or magsulat sa name palang nya may challenge na para maging matalinong bata. Dami nilang reklamo kung pwede lang na barahin sila ginagawa ko na pero respito nalang din sila
parang yung pamangkin ko "Phoebie Marie Jane" ang name..ngayon 12y/o na sya and nag rereklamo sya sa haba ng name nya lalo na pag included ang surname ππ haha kapag exam yun daw hinuhuli nya kasi nga mahaba..
Hindi nakukuha sa mahabang pangalan ang pagiging matalino. Nakakaawa din kasi ang mga bata pag masyado mahaba pangalan. Yung iba nagsasagot na ng questions yung anak mo, nagsusulat pa ng pangalan.
Baby ko nga Johann Khaled Miguel Esteban, Yung pamangkin ko na Lalake Jeff Matthew Magday Veneracion. Yung pamangkin kong babae, Tattiana Carlette Magday Aquino. π€£
wala po sa haba ng pangalan ang pagiging matalino ang dami kong kilala ang haba ng mga pangalan hanggang ngayon hindi maka graduate ng highskul πππ
Ako nga sis. Plano ko 3 name pag babae baby ko now. 2 naman pag lalake. Sa nbi naman kasi nahihirapan pag kukuha na. Buti sana kung sila ang mahihirapan
May point naman sila pero wala silang right pagsalitaan ka. Anak mo yan hayaan mo sila mamshie. Anak ko nga Yohan Kinsley Imperial Mamaril
Anong connect ng pagiging matalino sa mahabang pangalan? Hinay hinay kasi sa pagbibigay ng pangalan sa mga anak nyo. Maawa kayo sa anak nyo.
Maraming mas mahirap na pangalan pero nakaya nila. Syaka sa parents naman yan kung ano gusto ung iba mas malala pa napakaeasy lang ang name
next time pag tinanong name ng anak mo sabhn mo "ako nalang po magsusulat ng name" para wala na sila reklamo pwede naman yun eh... :)
Natawa ako sa pangalan ng anak ng batchmate ko in the sense na ano ba yan puro x and z tapos tatlo ung pangalan good luck sa bata
Nowadays need na unique name ni baby. Donβt mind those people, isipin mo na lang concern lang din sila.
1st time mom of a healthy baby girl