IYAKIN

Ako lang ba? Ako lang ba ang may anak na napakaiyakin?? Yung tipong ginawang libangan ang pag iyak ?? Grabe po di ko na alam gagawin ko pagod na pagod na ako mga ka mama. Ayaw magpalapag ni lo. Ginawa din pacifier yung dede ko, meron naman syang pacifier pero ayaw nya.. Nakakatulog lang din sya kapag Karga ko pero yung akma mo na syang ilalapag ayan na naman dilat na dilat yung mata at ngangalngal na naman 😭😭😭 yung iyak pa naman ay kala moy kinakatay. Try ko na mgswaddle, triny ko na din hilot hilotin baka may kabag pero wa epek.. Inis na inis nako sa totoo lang. Bukod sa pagod,puyat na puyat pa ako kasi nahihimbing lang sya kapag sa dibdib ko natutulog 😩😩 pero kpag ilalapag ko na ayan na nmn si bibig na walang tigil 😭😭 Firsttime mom po ako hinge po sana ako ng tips kung ano dapat kung gawin kay loπŸ™‚

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan tlga mommy, parte yan ng pagiging magulang, maswerte ka na kung may asawa ka o kahit sino na katuwang sa pagpapatahan sa kanya, pero kung mag isa ka na tulad ko, well, lavan langπŸ˜…, tipong sasabayan mo na siya sa pagiyak, habaan pa ang ating pasensya, dahil tayo lang ang meron sila.Umiiyak siya kasi kelangan niya ng comfort na sayo lang niya makukuha.😊. Nakayanan ko (2 y/o) na si baby ko, kaya mo rin mamsh. πŸ’ͺ

Magbasa pa
5y ago

Salamat ma, kahit papano gumaan pakiramdam ko. Kakayanin at hahabaan pa ang pasensya kaya ko to. Hehe πŸ’ͺπŸ’ͺ

Related Articles