IYAKIN

Ako lang ba? Ako lang ba ang may anak na napakaiyakin?? Yung tipong ginawang libangan ang pag iyak ?? Grabe po di ko na alam gagawin ko pagod na pagod na ako mga ka mama. Ayaw magpalapag ni lo. Ginawa din pacifier yung dede ko, meron naman syang pacifier pero ayaw nya.. Nakakatulog lang din sya kapag Karga ko pero yung akma mo na syang ilalapag ayan na naman dilat na dilat yung mata at ngangalngal na naman ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ yung iyak pa naman ay kala moy kinakatay. Try ko na mgswaddle, triny ko na din hilot hilotin baka may kabag pero wa epek.. Inis na inis nako sa totoo lang. Bukod sa pagod,puyat na puyat pa ako kasi nahihimbing lang sya kapag sa dibdib ko natutulog ๐Ÿ˜ฉ๐Ÿ˜ฉ pero kpag ilalapag ko na ayan na nmn si bibig na walang tigil ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ Firsttime mom po ako hinge po sana ako ng tips kung ano dapat kung gawin kay lo๐Ÿ™‚

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same tayo momsh dati ganyan din si lo ko siguro ganyan lang tlaga pag new born nag aadjust sila sa environment . tipong naiinis ndin ako kay lo pero after nun nakakakonsensya . ngyon si bby mag 2 months na pero nakakapag adjust nako sa tulog nya , sadyang paiba iba lang tlaga sila sleeping routine . tiis lang talaga mommy kaya mo yan labanan lang antok. try nyo ipitin ng unan mommy pag hihiga nyo sya para feeling nya yakap nyo sya .

Magbasa pa
5y ago

6 weeks si baby ko mamsh. Inis na inis na din ako pero nakokonsensya din ako kasi anong malay ba kasi nila ๐Ÿ˜ฉ๐Ÿ˜ฉ

Related Articles