After 1week matapos ko manganak ( normal delivery) pinababalik ako ng OB for following check up. Pumunta kami ng asawa ko na akala namin makakabalik din agad. Pag check kay baby ok naman, tapos pag ie sakin close cervix na daw. Wala naman na daw problema. Pero nung pag bp po sakin 180/120 po, sobrang gulat po yung OB ko. During my labor tumaas po bp ko ng 150/120 pero after ko mailabas si baby nag normal na po sya sa 110/80. Hindi sila makapaniwala bat sobrang taas daw po bigla. Akala namin ng asawa ko nakapanganak na ako kaya ok na kainin lahat ng gusto ko. Akala din namin basta masasabaw ok lang para mas dumami ang gatas. Bulalo, nilagang baboy, sinigang na liempo, tinolang manok. As in araw araw yun matapos ko umanak. Dumami bga gatas ko pero di ko alam sobrang taas na pala ng bp ko. Mabuti na lang bumalik kami after 1 week kundi pala e magco-collapse na lang ako ng hindi ko alam. Yung pananakit ng ulo akala ko dulot ng puyat pag aalaga Kay baby, yun pala dahil na sa highblood. Hindi kami pinauwi ng ob agad. Inantay bumaba bp ko, pinainom ako methyldopa at catapres. Wala pa din pagbabago after 3 hours. Kaya pinagtest ko ng urinalysis, nag positive po sya sa protien.? kailangan ko daw ma confine kasi po baka mag collapse ako. Paano ang baby ko? Sakin pa naman nadede at walang ibang mag aalaga. Kami lang ng asawa ko magkasama sa bahay. Malayo ang family namin both side. Nag pray ako sana bumaba na bp ko, ayoko ma confine sa hospital e. Lying in nga ako nanganak tapos mapupunta din pala ng hospital ? inantay pa namin ilang oras kasi ayaw talaga nila kami pauwiin ng mataas ang bp ko. Delekado daw, tumawag na nga sila sa hospital e para ma admit ako. Thanks to god nung kunan ulit ako ng bp for the last time naging 140/100 na sya. Hindi na nila kami napilit na ipaconfine. Monitor na lang daw palagi ang bp ko. Mga mommy na first time din po dyan o yung mga pregnant pa po, sana may natutunan po kayong lesson sa nangyari sakin. Mas better po palaging nache-check up tau. Extra ingat din po sa mga kinakain natin. Sundin po natin ang mga payo ng ob natin kapag sinabi na bawal wag po natin kainin. Hindi talaga pala biro ang maging isang ina, napakadaming kailangan pagdaanan sakit at sakripisyo. Pero sa bawat ngiti at makikita ko yung baby ko sobrang worth it lahat. Yung tipong kakayanin mo lahat para sa anak mo. Mas lalo akong naging proud sa nanay ko at sa lahat ng ina sa mundo. Totoo yung halos yung kalahati bf buhay mo nasa hukay during labor and delivery. Madami din risk sa pagbubuntis at after manganak. Napakatapang pala ng lahat ng nanay sa mundo. Lahat kakayanin at gagawin para sa anak nila.