13 Replies

Kung ako tatanungin mamsh, hindi na dapat tinatanong yan HAHAHAH I mean, sakin kasi pag nagcheat ang partner - no more explanation na eh. Gusto mong kumalas? Edi kumalas ka. Wag ka magpakamartyr mamshie. Know your worth. Hindi porke nabuntis ka nya, sa kanya na iikot mundo mo. Bakit? Porke nakuha ka na nya, pwede ka na nya gaguhin? Tandaan mo na once a cheater is always a cheater. Alam na alam ko yan kasi ganyan ang tatay ko, namatay na lang nanay ko babaero pa din sya. Sobrang awa ko noon sa Mama ko. Nagkaroon sya ng maraming sakit dahil sa stress nya. And I hate her for doing that, nagtiis sya para samin hanggang sa mamatay sya. Please lakasan mo loob mo para sa anak mo. Stay away from that cheater at wag na wag kang lilingon pabalik. Please lang. Ayokong maexperience ng anak mo yung same ng experience ko na lumaki sa isang pamilya na pilit lang binubuo dahil sa nandun kami. Its not happy. Isipin mong maigi kung yan ang buhay na pinangarap mo para sa anak mo. After all, strong tayong mga babae. Kayang kaya mo palakihin yan 🙂 Goodluck mamsh, please sana matauhan ka para sa anak mo. If ngayon palang di ka na nya kayang pahalagahan, wag mo na asahan na kaya ka nyang mahalin ng buo sa mga susunod pang taon na pagsasamahan nyo. Please save yourself from the lifetime pain. Gobless you

Ay mamsh ekis na yan, lalo't sa motel dinala. Kating kati na ata, at hindi magsosorry yan kung hindi mo nahuli. You are lucky enough kasi di pa kayo kasal. Kaya better let go na. Kung matino syang lalake unang una hindi nya kayang gawin yan 🙂

"Ayusin para sa pamilya," "wag hayaan masira," sabi nung lalaking nangungulit makipagkita sa ibang babae habang yung girlfriend nya 6months pregnant sa baby nila? 🤔 If there's anyone na sumira sa relasyon nyo, it's him. Kung may gusto syang ayusin sa relasyon nyo, dapat kinausap ka nya, hindi sya dapat makipagmeet sa ibang babae kasi wala namang maitutulong yun sa pag-aayos ng relasyon nyo. Buntis ka pa lang ganyan na sya. Isipin mo maigi mommy kaya mo bang makita yung mukha nya araw araw habambuhay knowing kung anong ginawa nya? Kung anong pwedeng mangyari kung sakaling natuloy ang balak nya? Not only for you and your relationship pero para rin sa health nyo ni baby? Not saying may sakit ang isa sa kanila ha, pero pwede syang makakuha ng STD kung ipinagpatuloy nya yan (pati risk ng Covid), something na possible nyang maipasa sayo and you, in turn, kay baby. Can you trust him again? As in totoong tiwala, hindi yung lagi kang may doubt, laging praning, laging may iniisip everytime may kachat sya or aalis nang di kayo magkasama? You have no obligation to stay in a relationship that blatantly disrespects you and puts you responsible to fix it kahit sya ang nagloko. Isipin mo maigi mommy if that is the life you want for you and your baby.

it's up to you if you want to give him a chance and I think ikaw lang din makakaramdam kung deserve nya ang second chance para maging maayos ang inyong relasyon. given na alam nyang magkakababy na kayo bakit nagawa pa rin nya yun? papano nangyare? unang una tanungin mo sya kung paano at saan nag simula un pag betray nya sayo. ask him also kahit alam natin wala syang karapatan pumili pero mas ok malaman mo kung gusto pa ba nya maayos kayo o hindi na. makakasama ang sobrang pag iisip mas mabuting mapag usapan muna.

VIP Member

Mahirap para sa kalagayan mo ang ganyang sitwasyon. Pero kailangan magpakatatag ka para sa baby mo. Ikaw ang magdedesisyon kung kaya mo pa syang tanggapin sa kabila ng ginawa nya sa'yo. O tuluyan na syang kalimutan dahil mahirap kung buo nga ang pamilya pero nagdurusa ka naman. Kung willing syang suportahan ang anak nyo, ibigay mo ang kanyang karapatan. Huwag mong pasanin mag-isa ang mga responsibilidad.

Hays. Sakit naman nyan. Kung kaya mo patawarin. Patawarin mo. Bigyan mo 2nd chance pero I doubt na magiging normal pa pagsasama nyo. Sobrang hirap nyan. Ung samin nga ng boyfriend ko sobrang hirap na ibalik, 1year na din ung nakalipas. Hirap na hirap ako ibalik tiwala ko, ang toxic ko nadin kasi lagi ko naalala. Pray ka lang sis. 😔

VIP Member

ipagdasal mo sya sis and pray ka din na lakasan ang loob mo. i think u need to talk about it.. you can give him chance but its on your own volition and you should be ready for anything that could happen (because more likely that it will happen again) especially if he is not sincere and serious to work on the relationship.

Thats an automatic divorce for me…no more questions asked.Heal yourself and move on…brighter days are foreseen ahead without that person in your life.

dahil sa buntis ka po, wala ka pong dapat gawin.. dahil pwedeng makasama sa pinagbubuntis mu yan.. isipin mu lang muna sa ngayon ang pinagbubuntis mu..

let the bitch keep him. wag na magpastress momsh, di din natin deserve ang mga ganyang lalaki

Best comment👍💜

uwi na. kuha ka sustento then move on na.. kasal po kayo? Pwede mo idemanda Pag d nag sustento

stop your relationship with that type of person. he is sick. your relationship was so toxic! dapat peace of mind binibigay sayo nyan buntis ka pa naman. make your life worry less, avoid that guy! move forward sis 🙂

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles