8 months pa lang si baby boy nung maipanganak ko sya, 2.5kgs timbang nya. Ngayon mag 3months na sya pero 3.4kgs pa lang sya.
According sa weight chart dapat nasa 5-8kgs na sya sa normal age tapos 4-7kgs sa adjusted age (age nya kung di sya premature pinanganak)
Pure breastfeed si baby.
Malakas naman sya dumede pero kapag nagpa-pump ako 2oz lang napa pump ko in 15mins.
Sabi ng nutritionist i pure bfeed ko lang sya kaso after 1 month ganun pa rin weight nya.
Malapit na ako bumalik sa work pero wala ako masyado naipon na milk kasi mahina ang pump.
Dapat ko na ba syang i formula milk? Kukulangin kasi sya ng supply pag bumalik ako sa work.
Ano po marecommend nyong milk sa mga tulad nyang premature baby?