Hindi nadadagdagan ang timbang ni baby sa breastmilk

8 months pa lang si baby boy nung maipanganak ko sya, 2.5kgs timbang nya. Ngayon mag 3months na sya pero 3.4kgs pa lang sya. According sa weight chart dapat nasa 5-8kgs na sya sa normal age tapos 4-7kgs sa adjusted age (age nya kung di sya premature pinanganak) Pure breastfeed si baby. Malakas naman sya dumede pero kapag nagpa-pump ako 2oz lang napa pump ko in 15mins. Sabi ng nutritionist i pure bfeed ko lang sya kaso after 1 month ganun pa rin weight nya. Malapit na ako bumalik sa work pero wala ako masyado naipon na milk kasi mahina ang pump. Dapat ko na ba syang i formula milk? Kukulangin kasi sya ng supply pag bumalik ako sa work. Ano po marecommend nyong milk sa mga tulad nyang premature baby?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

momshie kapag nagpapa BF ka make sure na sasagadin mo laman ng dede mo before mo ilipat ng dede sa other side, means ung super lambot na niya kasi ung pinakahuling laman ng breast mo nakakatulong sa pagdagdag ng weight ni baby, saka recommended din siya para mas mabilis ung pag produce ulit ng milk mo, it works for my LO

Magbasa pa

Pwede mo na siguro syang iformula pang alternate sa breastfeed para di ka rin mahirapan sakaling magwork kana