AKALA KO HINDI NABUO ANG BABY KO

7 weeks palang akong preggy noong una akong nagpa- TVS. Walang nakitang fetus at heartbeat, gestational sac at yolk sac lang ang meron. Sabi ng OB GYN ko na baka blighted ovum o hindi pagka-buo ng embryo. Pero pinabalik niya parin ako after 2 weeks para magpa-TVS ulit. Walang araw na hindi ako nagaalala lalo na nung nawala na yung morning sickness ko, minsan hindi rin nagte-tender yung breasts ko. Pero hindi naman ako dinudugo. Palagi akong nagdadasal at hindi ako pumalya sa pag inom ng vitamins ko pati narin ng gatas ko. Hindi ako bumalik after 2 weeks, nag hintay pako ng ilan pang linggo hanggat sa mag 11 weeks ako.. 11 weeks and 4 days ako ngayon, at nagpa 2nd TVS nako sa bagong hospital at nagpa check up sa bagong OB GYN. Bago ako pumasok ng ultrasound room sobra sobra yung pagdadasal ko na sana makita na yung baby ko at sana healthy siya.. At ayan na! ☺️ Dininig ni Lord yung panalangin ko.. Akala ko talaga hindi nabuo o (bugok) yung embryo ko nung 7 weeks palang ako, yun pala masyado lang ako maagang nagpa ultrasound! ♥️?? TO GOD BE THE GLORY..

AKALA KO HINDI NABUO ANG BABY KO
149 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same here, pinagbedrest naman ako nun. Araw araw ako nun nagdadasal iniipitan ko pa rosary bandang puson ko. After 2 weeks super healthy na at may heartbeat❤️❤️❤️