AKALA KO HINDI NABUO ANG BABY KO

7 weeks palang akong preggy noong una akong nagpa- TVS. Walang nakitang fetus at heartbeat, gestational sac at yolk sac lang ang meron. Sabi ng OB GYN ko na baka blighted ovum o hindi pagka-buo ng embryo. Pero pinabalik niya parin ako after 2 weeks para magpa-TVS ulit. Walang araw na hindi ako nagaalala lalo na nung nawala na yung morning sickness ko, minsan hindi rin nagte-tender yung breasts ko. Pero hindi naman ako dinudugo. Palagi akong nagdadasal at hindi ako pumalya sa pag inom ng vitamins ko pati narin ng gatas ko. Hindi ako bumalik after 2 weeks, nag hintay pako ng ilan pang linggo hanggat sa mag 11 weeks ako.. 11 weeks and 4 days ako ngayon, at nagpa 2nd TVS nako sa bagong hospital at nagpa check up sa bagong OB GYN. Bago ako pumasok ng ultrasound room sobra sobra yung pagdadasal ko na sana makita na yung baby ko at sana healthy siya.. At ayan na! ☺️ Dininig ni Lord yung panalangin ko.. Akala ko talaga hindi nabuo o (bugok) yung embryo ko nung 7 weeks palang ako, yun pala masyado lang ako maagang nagpa ultrasound! β™₯️?? TO GOD BE THE GLORY..

AKALA KO HINDI NABUO ANG BABY KO
149 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sana ganyan din ung sakin πŸ˜₯ i got 2 transV na d padin sya makita. . Nagpacheck ako sa manila sa 2 dr still d makita ung embryo or yolk sac. And now pumunta ako sa mismong OB ko dito, and it makes me more paranoid sa cnabi nya sa findings sa transV ko. Na may fluid daw dun sa CUL DE SAC ko na madameng pwedeng maging rason at dun nga nya cnabi na my chance na maging ectopic pregnancy daw ako pag wala padn makita sa uterus ko. . Next week naka schedule ako for another transV and serum. . Sana maging OK lahat . .sana anjan na tlga yung inaantay namen ng husband koπŸ‘Ά. .πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ˜₯πŸ˜₯

Magbasa pa

congrats po, same po tayo ng experience na excite ako kaya nagpa tvs din ako at gestational sac at yolk palang nakita pero walang fetus nag hintay din ako ng ilang weeks, 13 weeks sa bagong ob na din ako nagpa check up, sa sobrang nerbyos ko sa result na tumaas bp ko at napa iyak talaga ako nung marinig ko yung heartbeat ng baby ko,.. now 2 months old na sya sobra sobra pa din pasasalamat ko sa Diyos kase binigay nya sa akin ang bebe boy ko.. goodluck po at ienjoy at pagbubuntis 😊

Magbasa pa
4y ago

Congrats mommy!!!to god be the glory..

Wow! Congrats, mommy! Medyo ganyan din ako. Nung 6th week ko, sa akin naman mahina heartbeat daw 114 lang kasi dapat daw 120 pinababalik ako today sana kaso di ako nakabalik. Minsan napaparanoid naman ako na okay pa kaya si baby sa loob? Kasi wala akong morning sickness e hahah. Todo dasal lang din, pagbalik namin sa Sabado sana maganda na HB ni baby ko❀

Magbasa pa

Ang bilis na mag judge ng OB momsh. Same po tayo at 6 weeks and 3 days of my first tvs wla pa ring fetus ang nakta and heartbeat pero may gestational sac and yolk sac which is a good sign of a positive pregnancy sabi ng OB ko. And she said let just pray na this pregnancy will go through. Bumalik ako after two weeks ayun po may heartbeat na po sya.

Magbasa pa

Same nangyari satin sis ganyan din ako everyday nag pray na sana wag mabugok.. instead na 2 wks ginawa ko pang 3 wks bago ako bumalik para magpa transV ulit.. to God be the glory talaga! nandon na si baby after my 2nd ultrasound πŸ‘ΆπŸ»β€οΈπŸ™πŸ»

4y ago

Congrats mommy!!!

congrats momsh... same tau.. ung unang transv ko Gestional sac lang din.. Walang baby and Heartbeat.. pero after 2weeks.. pinaulit ng OB transv ko..super saya ko nung nkita ko si baby at may heartbeat na..πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°

Congrats po😊 ganyan din nangyari sakin sa baby ko ngayon dasal lang din ako nun tsaka vitamins kahit sinabi na ng ob na blighted ovum sa awa naman ang dyos nakaraos na ako healthy ang baby ko kahit overdue.

congrats πŸ˜€ ganyan din situation ko before kinabahan din ako kasi sabi bka di daw mabuo ang baby ko pero after 2 weeks pinabalik ako ng ob ko nkita na sya πŸ’•πŸ’• ngayon ito 1 month and 17 days na sya

Same case sa 2nd ko mommy, mangiyak ngiyak ako nung sinabi ni ob na baka hindi nabuo, pero pinababalik ako after 2 weeks para tvs ulit, and thank God my heartbeat na, congrats mommy

Same here, pinagbedrest naman ako nun. Araw araw ako nun nagdadasal iniipitan ko pa rosary bandang puson ko. After 2 weeks super healthy na at may heartbeat❀️❀️❀️