AKALA KO HINDI NABUO ANG BABY KO

7 weeks palang akong preggy noong una akong nagpa- TVS. Walang nakitang fetus at heartbeat, gestational sac at yolk sac lang ang meron. Sabi ng OB GYN ko na baka blighted ovum o hindi pagka-buo ng embryo. Pero pinabalik niya parin ako after 2 weeks para magpa-TVS ulit. Walang araw na hindi ako nagaalala lalo na nung nawala na yung morning sickness ko, minsan hindi rin nagte-tender yung breasts ko. Pero hindi naman ako dinudugo. Palagi akong nagdadasal at hindi ako pumalya sa pag inom ng vitamins ko pati narin ng gatas ko. Hindi ako bumalik after 2 weeks, nag hintay pako ng ilan pang linggo hanggat sa mag 11 weeks ako.. 11 weeks and 4 days ako ngayon, at nagpa 2nd TVS nako sa bagong hospital at nagpa check up sa bagong OB GYN. Bago ako pumasok ng ultrasound room sobra sobra yung pagdadasal ko na sana makita na yung baby ko at sana healthy siya.. At ayan na! ☺️ Dininig ni Lord yung panalangin ko.. Akala ko talaga hindi nabuo o (bugok) yung embryo ko nung 7 weeks palang ako, yun pala masyado lang ako maagang nagpa ultrasound! ♥️?? TO GOD BE THE GLORY..

AKALA KO HINDI NABUO ANG BABY KO
149 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Gnyan din sakin sis. Pero di pa ako bumalik at nagpa ultrasound ngayon. . Tanong ko lang kung sumasakit din ba puson mo minsan ?

5y ago

Ok lng po ba yung sumasakit? Minsan parang may pumipitik.. 10 weeks din po ako

Thank you po sa inyong lahat!! ♥️ 4 months preggy na po ako ngayon hehe. Excited narin sa gender ni baby! 🙏🏻

5y ago

Same here 4 months na rin tummy ko, but hindi ko pa rin alam gender ni baby inside..

VIP Member

Congrats po! I'm on my 7th week and nakaschedule ako this weekend for an ultrasound, sana walang maging problem. 😊

VIP Member

Ganyan din saakin 6 weeks wala pang heartbeat after 2 weeks bumalik ako ayon salamat meron ng heartbeat ang baby ko

God is good talaga mamsh, Congrats po 😍🤗 Take care always po and always stay healthy po kayo ni baby 😊😍

Ganyan din ako nun, asa 5weeks tapos sac pa lang, pinabalik ako after 2weeks and thank god may heartbeat na sya

Ganyan din sakin dasal din ako ng dasal sa awa ng diyos nabuo sya.. 26 weeks pregnant na ko.

ganyan din ako mamsh!! nung mga 6weeks. todo dasal talaga!! pero 27 weeks na ko ngayon.❤

Yes Sis, napaaga lang siguro TVS mo... God is Good talaga! God bless sa pregnancy mo.

Congrats po momsh! Ingat lagi kayo ni baby. Sana ako rin soon. ngaun kasi puro check up pa.

5y ago

🙏💕