149 Replies

Sana ganyan din ung sakin 😥 i got 2 transV na d padin sya makita. . Nagpacheck ako sa manila sa 2 dr still d makita ung embryo or yolk sac. And now pumunta ako sa mismong OB ko dito, and it makes me more paranoid sa cnabi nya sa findings sa transV ko. Na may fluid daw dun sa CUL DE SAC ko na madameng pwedeng maging rason at dun nga nya cnabi na my chance na maging ectopic pregnancy daw ako pag wala padn makita sa uterus ko. . Next week naka schedule ako for another transV and serum. . Sana maging OK lahat . .sana anjan na tlga yung inaantay namen ng husband ko👶. .🙏🏻🙏🏻🙏🏻😥😥

congrats po, same po tayo ng experience na excite ako kaya nagpa tvs din ako at gestational sac at yolk palang nakita pero walang fetus nag hintay din ako ng ilang weeks, 13 weeks sa bagong ob na din ako nagpa check up, sa sobrang nerbyos ko sa result na tumaas bp ko at napa iyak talaga ako nung marinig ko yung heartbeat ng baby ko,.. now 2 months old na sya sobra sobra pa din pasasalamat ko sa Diyos kase binigay nya sa akin ang bebe boy ko.. goodluck po at ienjoy at pagbubuntis 😊

Congrats mommy!!!to god be the glory..

Wow! Congrats, mommy! Medyo ganyan din ako. Nung 6th week ko, sa akin naman mahina heartbeat daw 114 lang kasi dapat daw 120 pinababalik ako today sana kaso di ako nakabalik. Minsan napaparanoid naman ako na okay pa kaya si baby sa loob? Kasi wala akong morning sickness e hahah. Todo dasal lang din, pagbalik namin sa Sabado sana maganda na HB ni baby ko❤

Ang bilis na mag judge ng OB momsh. Same po tayo at 6 weeks and 3 days of my first tvs wla pa ring fetus ang nakta and heartbeat pero may gestational sac and yolk sac which is a good sign of a positive pregnancy sabi ng OB ko. And she said let just pray na this pregnancy will go through. Bumalik ako after two weeks ayun po may heartbeat na po sya.

Same nangyari satin sis ganyan din ako everyday nag pray na sana wag mabugok.. instead na 2 wks ginawa ko pang 3 wks bago ako bumalik para magpa transV ulit.. to God be the glory talaga! nandon na si baby after my 2nd ultrasound 👶🏻❤️🙏🏻

Congrats mommy!!!

congrats momsh... same tau.. ung unang transv ko Gestional sac lang din.. Walang baby and Heartbeat.. pero after 2weeks.. pinaulit ng OB transv ko..super saya ko nung nkita ko si baby at may heartbeat na..🥰🥰🥰

Congrats po😊 ganyan din nangyari sakin sa baby ko ngayon dasal lang din ako nun tsaka vitamins kahit sinabi na ng ob na blighted ovum sa awa naman ang dyos nakaraos na ako healthy ang baby ko kahit overdue.

Congrats mommy!!

congrats 😀 ganyan din situation ko before kinabahan din ako kasi sabi bka di daw mabuo ang baby ko pero after 2 weeks pinabalik ako ng ob ko nkita na sya 💕💕 ngayon ito 1 month and 17 days na sya

Same case sa 2nd ko mommy, mangiyak ngiyak ako nung sinabi ni ob na baka hindi nabuo, pero pinababalik ako after 2 weeks para tvs ulit, and thank God my heartbeat na, congrats mommy

Same here, pinagbedrest naman ako nun. Araw araw ako nun nagdadasal iniipitan ko pa rosary bandang puson ko. After 2 weeks super healthy na at may heartbeat❤️❤️❤️

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles