Marriage Life!

6 yrs of being bf/gf, 2 yrs live in & 3 months married and a baby coming!🥳 How's your life after marriage po? Ano pong mga adjustment nio especially to those couple na medjo my katagalan din na mag bf/gf muna before mag plan na magpakasal. Simula kasi ng makasal kami ni hubby dito na ko sa bahay ng in laws ko nakatira and ok naman, wala namang problema sa kanila at asikasong asikaso pa nga ako especially na magkakaroon na rin sila ng apo. Ask ko lang kasi if meron din ba sa inyo - noon kasi na bf/gf at live in pa lang kmi ni hubby di ko pinapakealaman yung money niya unless kung bibigyan niya ko or if my babayaran sa grocery hati kami. Ngayon kasi no work pa ko kasi preggy and medjo maselan din pagbubuntis ko pero my plan nman akong maghanap kapag ready na ko ulit after pregnancy. Di ko kasi handle yung money ni hubby kasi kahit naman bigay niya sakin credit card niya mabubuksan niya pa rin at mka access through online. Di rin kasi mahilig si hubby sa cash out unless if kelangan like pamasahe or pambili ng food. Binibigyan din naman ako pambili ng cravings and nagtatanong naman sia if my need ba kong bilhin na di ko mabili kasi nasa province kami and yung work nia nasa CT pa. Ok lang naman po ba yun ? kasi sa bayarin naman dito sa bahay yung in laws ko yung bumabayad from food, water at electric bills. Nahihiya nga ko kahit pa anak din naman nila yung hubby ko kasi yung ambag lang talaga namin sa bills eh yung internet and nasa senior na rin sila. And sinabihan naman na ko na mag focus lang ako sa pregnancy ko and ok naman sakin yun, yun lang kasi di mawawala kung ok lang ba na ganon yung set up namin ni hubby, di ko pa sia kasi natanong kung nag iipon din sia para sa delivery ko. Supportive din naman mga kapatid niya at lahat sila excited din naman and willing to help pero di din kasi mawala sakin yung hiya kasi nga married na kami and feeling ko responsible kami sa gastusin. Minsan nahihiya din ako mag open up sa hubby ko kasi feeling ko wala naman nagbago samin simula nang nakasal kami maliban na lang sa mas naging sweet at maalaga sia sakin. Share nio naman mga mommy and daddy yung thoughts and experiences nio as newly wed and kung my adjustment din kayong ginawa. Thank you!☺️ #advicepls #firstbaby #firsttime_mommy #marriage#NewlyWed

Marriage Life!GIF
7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

3years Bf&gf 1 year live-in 9years married we had 2 kids He's conservative probinsyano I'm liberated from Pasig. Nagyaya siya pakasal. Nagpaalam ako sa magulang ko Maluwag na pumayag, sabay pusta ni tatay ng hanggang 5years lang kayo. I put a bet. No! It will be forever! Pumunta ng province. Ako namanhikan Tinutulan ng mama niya Bumalik ako ng Pasig Sinundan ni BF after 2months Hinatid pa siya ng papa niya Nagsama na kami Subrang sabik niya Najackpotan agad sa unang gabi Nabuo ang panganay 3months na si Baby Bumalik ng province. Tuwang tuwa mga byanan sa 1st apo Hindi ko na mahawakan. 6months si baby, we got married. Mentally and Emotionally nagmagtured ako. Si hubby, feeling binata parin. kahit anong oras uuwi. Walang linggo na walang away. Hindi naman siya sinasakal pero hindi sumusunod sa napagkasunduan. 1st year.. gusto ko ng layasan. kaso matatalo ako sa pustahan. 2nd year, no changes. binalak ko ng layasan, pero puro loan ako, kaya not now. 3rd year, lalayasan na sana kaso inisip ko ang kapakanan ng anak ko. 4th year, same. ano bang mali? ano bang kulang? then sumali sa bible study ok, i see.. change ako ng approached. MAS naging maasikaso, pasensyosa mahinahon, malambing, madasalin. 5th year, may konteng nagbago sa kanya, nag lay low lang, pero hindi totally nagpakabait. Then the finale came, (last naming away) " Papa, sabi sa bible, Husband love your wife. Wife submit to your husband. Willing namn ako sumunod sayo. Yung submission hindi nangangahulugan na magiging under ako sayo, but it is willingness to follow. Pero paano mo masasabi na you love your wife kung araw araw nalang ako nangungunsumisyon sayo? Saka nga pala, tinantancha ko na kung kaya ko ng buhayin si Sofie ng mag-isa" Then the miracle wind blew at him. Fast forward going 8years na kaming walang away. Mas naging sweet pa kami sa isat isa. Mas sweet pa kesa nung MagBF at GF palang kami o nung nagsama kami. He is not just my husband now, He is a bestfriend and comforter. The best buddy i ever had. I finally found my happily ever after. Hindi pala siya basta basta hinihintay, Pinag e effortan din pala... 😊

Magbasa pa
3y ago

Iba talaga kapag kasama si Papa God sa buhay. Kahit anong hirap malalagpasan. Mas lalo pang pinatibay yung pagsasama niyo po sa lahat ng pagsubok na nangyari sa inyong mag asawa. Di man maganda ang napagdaanan nio at least naniwala kayo at di mo sinukuan ang asawa mo. Thank you for sharing mi.☺️